(TAKE YOU HOME)
***CHRIS
"Ilang araw ka na ring absent ah, may balak ka pa ba talagang pumasok?" sarkastikong wika ni Nico sa kabilang linya. I irritatedly covered my face with a pillow.
Pumasok? Gustong gusto ko nang pumasok pero may kung anong bagay na pumipigil sa 'kin. Until now, I still can't figure it out—and it's driving me insane!
"Hey Dude, still there?"
"Oo" walang gana kong sagot saka dumapa.
"Hay nako, bahala kang mag habol diyan. Alam mo namang hindi mo 'ko maaasahan sa mga ganiyang bagay 'di ba?" natatawang saad niya saka tumikhim.
"Sige na sige na! Papasok na 'ko!" asik ko saka ko siya pinatayan ng phone. I immediately jumped out of my bed to prepare myself.
Maayos naman na talaga ang paki-ramdam ko, hindi ko na naisip na magsumbong sa mga pulis dahil mas lalala lang ang sitwasyon. It's a battle between the gangs, walang kinalaman ang kung sino man dito.
Pagkatapos kong maligo ay agad kong binalot ng gasa ang sugat sa braso ko. Of all the wound that I got the other day, this is the worst one. Karamihan kasi gasgas at pasa lang talaga, kung hindi lang siguro ako sanay sa bugubugan—baka iniinda ko pa rin 'yong mga sugat ko ngayon.
I quickly drove my car to the university, medyo late na rin akong dumating kaya patakbo kong tinungo ang classroom namin.
The thing about us four is that we have our separate classes from the other regular students as requested by our parents, bukod kasi sa hindi sila nakakapag-focus kapag kaklase nila kami—we can control our schedule this way.
Dito na rin talaga kami sa hideout namin nagkaklase, isa-isang pumupunta dito 'yong mga professors para turuan kami.
Habang nagkaklase kami, hindi ako mapakali, paulit-ulit kasing pumapasok sa utak ko ang mukha ni Ella. To be honest, I badly wanna see her to thank her. Hindi rin kasi talaga biro 'yong ginawa niya, she just risked her life to save her dubbed nemesis.
"Any updates mula sa mga kalaban?" bored kong tanong saka isinandal ang aking ulo sa swivel chair ng office ko. Kakatapos lang ng mga subject na naka-schedule sa min ngayong apat.
"Zero" sagot ni Tyron saka siya umiling-iling. Kasalukuyan siyang naka upo ngayon sa mahabang couch na nasa tabi ng maliit na book shelf kasama ang ka-kambal niya. "Simula no'ng araw na i-setup ka nila, wala na kaming nakuha na kahit na anong messages"
"After all that happened, wala ka bang balak na gantihan sila?" takang tanong ni Tyson saka siya nag dekuwatro.
"Para sa'n pa? To prove theirselves for the nth time?" tanong ko, natahimik naman siya. "Sometimes, trying to prove yourself is an insult. We are the strongest Tyson, we are the best. Pero kung hahamunin muli nila tayo, I'll surely make them beg for mercy" tinitigan ko siya ng matalim. Napangiti naman siya saka bilib na tumingin sa 'kin.
"You're not called number one for no reason Chris" lumapit si Nico sa 'kin saka niya sinuntok ang braso ko.
***
Hanggang nagyon hindi pa rin ako talaga ako mapakali, I tried texting Ella pero nag send lang siya ng text na nagsasabing wrong number ata ako.
"Damn! It's me, Chris!" 'yon ang salita na eksaktong rumehistro sa utak ko pero hindi ko 'yon nagawang i-send sa kaniya. Then I tried to dial her number, but her phone was turned off.
Napa-buntong hininga na lang ako saka lumabas ng hideout, maybe I should go to her classroom instead. I'm not used to saying thank you dahil hindi naman ako humihingi ng pabor sa iba, pero ibang usapan na kasi 'yong ginawa ni Ella.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)