(GOOD MEMORIES)
***JANINA
"Just a touch of your love is enough to knock me off of my feet all week, just a touch of your lo-ove just a touch of your lo-ove!" tinodo ko ang pag giling at pag kumpas ng mga kamay ko saka ko sinigurong fierce pa rin ang mukha ko.
"Just a touch of your love is enough to take control of my whole body, just a touch of your lo-ove, just a touch of your lo-ove" kasabay ng pag hinto ng music ay nag hair flip ako saka nag peace sign.
Pagkatapos na pagkatapos ng mini production number ko ay umalingaw-ngae sa buong classroom ang malakas na palakpakan.
"Thank you every one! Maraming salamat sa supporta niyo" biro ko pa saka ko hinawakan ang dibdib ko.
Dahil do'n ay nagtawanan kaming lahat.
Kakatapos lang ng huling subject namin no'n kaya napag isip-isip kong mag baliw-baliwan, tutal ka close ko naman na 'tong mga kaklse ko sa subject na 'to.
Actually super sexy no'ng dance step ng sinayaw ko kanina. Well, bagay naman kasi talaga sakin 'yong sayaw 'coz I'm sexy and I know it! Charr.
"Naku Ella, 'di mo sinabing gan'to pala kagaling sumayaw tong kaibigan mo!" wika ni Mario, siya 'yong akala ko may crush sa 'kin no'ng first day. Pero tama pala si besh—pogi rin pala 'yong hanap niya. Maria pala siya.
"Puwede pang sumayaw 'yan kung gusto niyo" natatawang sagot ni Ella saka nagpatuloy sa pagbabasa ng librong hawak niya.
"Naku besh, tama na. Baka ma-discover ako nito. Saka ano ah, sure kayong walang nag video no'ng sayaw ko? Baka kumalat, nakakahiya!"
"Nako Janina, okay lang 'yan. You're very pretty naman e—next to me of course" umirap ang bakla "Saka magaling kang sumayaw" wika ni Engel saka niya hinawi patagilid ang buhok niya. Guwapo rin talaga siya pero kalahi siya ni Mario, actually magkaibigan nga sila eh.
Pero gosh, ang sexy niya talaga humawi ng buhok!
"Tumigil ka nga sa kakahawi mo ng buhok diyan Engel! Baka makalimutan kong beki ka ma-french kiss kita diyan" biro ko sa kaniya saka ako tumawa.
Nagkunwari siya na parang nakaka-suka.
"Kadiri ka talaga Janina!" nangasin ang mukha niya. "Mag lunch na nga lang tayo Mario! Pag 'tong boobs ko talaga lumaki, sinasabi ko sa 'yong babar" biro nito saka tumayo kasama ang mga kaibigan niya.
Nagtawanan na lang kaming lahat.
Buti talaga at hindi matapobre 'yong mga kaklase namin dito sa room. Meron nga lang mangilan-ngilan pero siyempre dahil lagi akong naka-dikit sa mataray but good hearted kong best friend, walang nagtatangkang mam-bully sa 'min. Try lang talaga nila, ipapalapa ko sila sa bulldog ng kapit bahay naming tsismosa.
Ilang saglit pa ay unti-unti nang naubos lahat ng mga tao dito sa classroom maliban na lang sa 'kin, kay Ella at kay Amanda.
"Hoy Besh" tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin. Tutok lang siya sa pagbabasa kaya naglakad ako papalapit sa kaniya. "Hoy Ella, gutom na ako. Kumain na kaya tayo?"
Ngunit wala pa rin siyang reaksyon.
"Ella" 'di pa rin niya ako pinapansin talaga.
Ah, walang pansinan ha? Tignan ko lang talaga kung hindi mo 'ko pansinin sa gagawin ko.
"OMG! Si Chris!" malakas kong sigaw saka ako nagtatatalon, kunwari pa akong tumingin sa pinto.
"Saan!? Saan!?" biglang tumayo si Ella saka tumingin sa pinto.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)