(TROUBLE)
***ELLA
"Hoy saan dadalhin nang mokong na 'yon ang kaibigan ko ha? At ano na naman bang kailangan niyo sa 'kin?" inis kong inagaw ang magkabilaan kong kamay mula sa pagkakahawak ni Tyron at ni Tyson.
"Pinapatawag ka sa Dean's office, mukhang may nagawa kang hindi maganda" diretsahang wika ni Tyson saka nila muling hinawakan ang kamay ko.
Napakunot noo ako.
Ano na naman bang kalokohan 'to?
"Bakit ba kapit na kapit kayo sa kamay ko? Mukha ba akong tatakas?" inirapan ko silang dalawa. "Saka tigil-tigilan niyo ako sa pinapatawag sa deans office na 'yan! Scam 'yan pag kayong dalawa ang nagsabi! At kung pagtritripan niyo lang ako, puwedenf 'yong may kapani-paniwalang reason? Bigyan ko kayo ng example ha?"
"Naku, no need. Saka hindi naman trip 'to e, pinapatawag ka talaga. Trust us, Tyron Natividad and Tyson Natividad—the president and vice president of this University's Council. Pag kaminang nagsabi, totoo" ngumiti si Tyron.
Tumawa ako ng sarkastiko.
"Wow lang ha? Pag sinabi niyo totoo? Okay sige, magkukunwari na lang ako na hindi nangyari 'yong biwisit niyong pantri-trip sa 'kin para mapapunta ako sa hideout niyo" pairap kong sagot saka naglakad papalabas ng canteen.
Sinadya ko na talagang mauna kasi hindi na ako natutuwa sa mga tingin ng mga babaeng fans ng kambal, parang pinapatay na nila ako sa mga utak nila eh!
"Hey wait for us!" rinig ko pang sigaw ni Tyron ngunit hindi ko na siya pinansin.
"San ba kasi talaga ang Dean's office dito?" bulong ko pagkalabas na pagkalabas ng canteen.
Pag ako talaga pinagtritripan na naman ng kambal na 'yon, babayagan ko talaga sila!
"Wait, is that her? Iyong nanakit kay Trixie? Omg talaga, she's so brutal! Nakita mo ba 'yong mga benda sa kamay at paa ni Trixie? She can't even walk properly!" sandali akong napatigil ng may marinig akong nagbubulong-bulungan. "Gosh, she's so desperate! Saktan ba naman si Trixie para mapansin ni Chris?"
"Sinabi mo pa!" pag sang ayon naman ng isa pa. "She's a monster. Kabago-bago pa lang niya dito may nagawa na agad siyang masama, at si Trixie pa talaga ah. Pakunwari pang paiyak-iyak at payakap-yakap kay Chris, siya naman pala talaga ang may kagagawan ng lahat. She's going to regret what she did to the queenbee"
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, ginapangan ako ng takot sa buong katawan.
"She's so pathetic. Sana naman matuto siyang lumugar, a king is only for the queen. Hindi 'yong isang basurang bagong dating ang biglang susulpot at mang aagaw ng pag-aari ng iba. Ang landi! Ganyan ba talaga ugali ng mga taga skwater?" saad pa ng isa, mukhang sinadya niya talagang iparinig 'yon sa 'kin.
Napayuko ako at napakuyom ng kamao. Ni minsan hindi pa natapakan ang pagkatao ko ng ganito. Hindi naman talaga nila alam kung anong nangyari, bakit kung maka-asta sila parang nando'n sila mismo no'ng mangyari 'yon? Gan'to ba talaga kalakas ang impluensiya ni Trixie sa buong university?
At ginagawa ang lahat para mapansin ni Chris? Mukha na ba akong despirado sa lalaki?
Hindi ko na lang pinansin, nagpatuloy ako sa paglalakad.
"Balita ko dumating 'yong mommy ni Trixie kani-kanina lang, mukhang magrereklamo kay Dean. Sana nga mapatalsik na ang babaeng 'yan kasama 'yong kaibigan niya. Mga basura lang naman sila eh, they don't belong here!"
Haharapin ko na sana sila para kumprontahin pero biglang sumulpot sa harapan ko ang kambal.
"Hey miss Janella Ruiz, would you mind waiting for us? Ang liit-liit mo pero ang bilis mong humakbang" reklamo ni Tyson saka hinihingal na tumingin sa 'kin. Gano'n rin si Tyron.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)