(TAKE YOU HOME PART 2)
***ELLA
Isang mabangong amoy ang kumalat sa buong kuwarto dahilan para unti-unti akong magkaroon ng malay. Kabisadong-kabisado ko ang amoy na 'yon, amoy lalaki pero hindi gaano matapang.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Napakunot noo ako.
Kelan pa ako nagkaroon ng chandelier sa kisame ng kuwarto ko? At kelan pa naging black and white ang interior ng kuwarto ko?
And then it hit me.
Nasaan ako? Paano ako napunta dito?At bakit nandito ako?
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko ng makitang imbes na school uniform ang suot ko, isang oversized shirt ang naka-suot sa katawan ko.
Napalunok ako.
Itinaas ko ang comforter ng kama na hinihigaan ko saka ko sinilip ang abdominal area ko.
Okay, suot ko pa naman 'yong undie ko at wala naman akong nararamdamang sakit.
Napakamot ako sa ulo ko saka kunot noong inilibot ang paningin ko.
"Nasa'n ba kasi ako?"
Nang mag-akma akong bababa sa kama ay biglang bumukas ang pinto. Iniluwan no'n si Chris na bagong ligo-CHRIS?
Napatakip ako sa bunganga ko ng makita ko siya. Nabato ako sa kinauupuan ko.
Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob saka naglakad papunta sa closet area niya. Naka-suot lang siya ng kukay gray na tuwalya na bumabalot sa ibabangbahagi ng katawan niya, may mga butil-butil pa ng tubig sa buong katawan niya at basa pa talaga ang buhok niya.
Napalunok ako saka ako napatingin sa katawan niya.
Unti-unting bumagal ang paligid.
Una kong tinignan ang sobrang lapad na dibdib niya, kapansin-pansin din sa kanang parte no'n ang maliit na tatoo ng ulo ng leon. Sunod kong tinignan ang tiyan niya-may nakita akong walong umbok ng hiwa do'n na mas nafle-flex habang naghanap siya ng damit na isinusuot niya. Sobrang defined na rin talaga ng V-line niya. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa malaking umbok na natatakpan ng tuwalya.
Biglang may tumulong pawis sa noo ko.
"Gising ka na pala" saka lang ako bumalik sa katinuan ng bigla siyang humarap sa 'kin pagkasuot na pagkasuot niya ng kulay pink na muscle shirt.
"A-ano, b-bakit ako nan-shet!" bigla niyang tinanggal ang tuwalya niya kaya nakita ko ang malaking umbok niya sa harapan na natatakpan ng bikini briefs. Agad akong napa-takip sa mata ko na ikinatawa niya ng mahina. "Mag short ka! M-mag short k-ka!"
Naramdaman ko na lang na biglang gumalaw ang kama. Unti-unti akong sumilip sa pagitan ng mga daliri ko at nakita ko siyang naka-ngisi habang papalapit ng papalapit sa 'kin.
Napalunok ako.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko saka niya 'yon unti-unting iginiya pababa.
Wala akong nakapang salita, hindi ako nakagalaw.
Naka-tingin siya sa mga mata ko ng seryoso. Bigla niyang inilabas ang dila niya saka niya 'yon pinaikot sa mga labi niya.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"You don't have to cover your eyes baby girl, nakita mo na rin naman kung gaano kalaki 'tong sandata ko eh" ngumisi siya.
Unti-unti niyang inangat ang kamay niya saka niya hinawakan ang baba ko. Napakagat labi siya.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)