(ONE NIGHT STAND)
***WARNING! SPG SCENE AHEAD!
ELLA
Kasalukuyan akong tumitipa sa keyboard ng laptop ko habang si Janina naman ay busy sa pag-papak ng chicharon habang nakahiga sa kama at nag sa-sountrip. Napairap ako sa turan niya.
"Hoy besh, baka naman may balak kang tumulong sa 'kin 'no?" inagaw ko ang chicharon sa kaniya saka ako kumain ng isa.
"Sorry besh ha?" tumingin siya sa 'kin. "Kinikilig lang talaga kasi ako e" napabangon siya saka humagikgik.
Kinikilig? Saan naman?
"Kanino naman aber?" napakunot noo ako ng may mapagtanto. "Kung ang kaibigan ng manyak na 'yon ang dahilan..." tumingin ako kay Janina ng makahulugan.
"Wag mo nang itutuloy ang pa i-ilusyon mo" matigas kong litanya sa kaniya. Napatigil naman siya sa pag nguya saka tinanggal ang earphone na nakalagay sa taenga niya.
"E besh, ang pogi niya kasi!" kinikilig niyang wika sabay higa sa kama ko at gumulong-gulong. Nagpatuloy ito sa pag sasalita habang ako naman ay naka tutok sa ine-encode ko. "And correction, hindi lang sila magkaibigan—mag-pinsan sila okay?"paglilinaw niya.
Napa-ismid ako.
"Mag pinsan man sila, magkaibigan o kahit na magkapatid—hindi ka pa rin puwedeng magkagusto sa kaniya"
"Besh naman eh, crush lang naman 'yon. Saka alam ko naman na hindi kami magka-level kaya wala rin akong pag-asa sa kaniya" dismayado siyang tumingin sa 'kin, pero bigla ulit siyang ngumiti. "Pero alam mo besh, kung nakakabuntis lang talaga'yong pag-kindat niya. Baka nanganak na ako" napatingin pa siya sa kisame saka niya pinagsisipa 'yong kama..
Lumapit ako sa kaniya saka ko siya binatukan ng malakas.
"Aray naman besh! Para saan 'yon?" kunot noo niyang hinahod-hagod ang batok niya saka siya tumingin sa 'kin.
I gave her a sarcastic smile.
"Besh, pampagising. Para magising ka na sa katotohanang hindi magiging kayo" diretsahan kong sagot.
Una sa lahat, let's face the fact na ibang-iba 'yong level ng buhay nila sa isa't-isa. Pangalawa, mukha pa lang nang mag-pinsang 'yon mukhang manloloko na talaga. Well 'yong kambal na kasama nila medyo maamo naman 'yong mga mukha pero kung manlololo ang mga kaibigan mo, manloloko na rin! Gano'n lang kadali 'yon!
Natahimik siya.
"Hay nako Janina, makinig ka sa 'kin ha?" kinalabit ko siya.
"Take note, ito ka..." inilagay ko ang kamay ko sa tapat ng beywang ko." At ito siya according sa social status niya" Inilagay ko sa tapat ng dibdib ko ang isa ko pang kamay. She frowned.
"At sa lebel ng expirience sa relationship at KALANDIAN, ito ka..." tumayo ako saka ko nilagay ang isa kong kamay sa tapat ng tuhod ko. "At malamang sa malamang na sobrang daming ng babaeng naloko at nalandi niya, heto siya..." I placed my hand above my forehead.
Napasimangot siya.
"Ouch besh ha, 'di ka rin naman man hater ano?" sarkastiko niyang tanong sabay hawak sa malusog niyang dibdib.
"Man hater? Ako?" napailing-iling ako. "Hindi naman, sa kanilang apat lang" walang kagatol-gatol kong sagot.
Nagtawanan kami.
Napatingin ako kay Janina. Naging kaibigan ko na siya pagkalipat na pagkalipat namin dito sa maynila, siya 'yong isa sa mga tao na tumulong sa 'king mag-adjust dito.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)