KBANG (Chapter 24)

86 4 0
                                    

(THE PLAN)
***

"Suspended ka?!" gulat na sigaw ni Kuya Joaquin.

Kung makasigaw eh, ikaw 'yong nasuspend?

"Sige kuya, sigaw ka pa para marinig nila mama sa kusina" sarkastiko konh wika. "Kaya nga sa 'yo ko sinabi kasi baka mapagalitan ako eh"

"Ella,wala kang ibang choice kundi ang sabihin sa kanila 'yon" napabuntong hininga siya. "Eh ano ba kasing pinag-gagagawa mo sa school?" nag crossed arms siya.

Wala akong nagawa kundi ang ikuwento sa kaniya 'yong una naming engkwentro ni Trixie hanggang sa pagkulong niya sa akin sa stockroom—kung paano ako tinulungan ni Chris sa Dean.

"Sino ba 'yang Trixie na 'yan! Pigilan mo ko't talagang gigilitan ko sa leeg kahit babae 'yan" tumayo siya saka astang maglalakad palabas ngunit hinila ko aiya ulit paupo.

"Ang OA mo kuya, okay na nga eh settled na. Saka may parusa na naman siya eh, paglilinisin silang magkakaibigan sa buong school. Take note, buong week 'yon" niyakap ko siya sa may bewang niya. "Saka may kasalanan din naman ako, kung hindi ko sana sila pinatulan at hindi ako nanlaban edi sana hindi ko siya nasaktan ng ganoon" isiniksik ko ang ulo ko sa balikat niya. Hinaplos-haplos niya naman ang buhok ko.

"Edi kung hindi ka nanlaban edi sana ikaw naman 'yong nasaktan" tinignan ko siya. "Alam mo, minsan kailangan talaga nating ipaglaban ang sarili natin kahit pa alam nating dehado na tayo sa sitwasyon. Kasi kahit na magsisi tayo sa huli, atleast alam nating may ginawa tayo para sa sarili natin" niyakap niya na rin ako.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na may kuya. Iyong kuya na nakikinig sa 'yo at 'yong kuya na hindi ka iju-judge sa mga nagawa mo.

Humiwalay ako ng pagkakayakap saka ngumiti sa kaniya.

"Alam mo kuya, ang swerte ko may kapatid akong katulad mo. Kahit anong mangyari nandiyan ka para makinig sa mga reklamo ko sa buhay" ngumiti rin siya.

"Para saan pa't magkadugo tayo kung ako pa mismo mag lulugmok sa 'yo?" ngumiti rin siya. "Eh itong Chris na nagligtas sa 'yo, parang gustong kong makilala 'to" seryosong dagdag ni Kuya Joaquin. Bahagya naman akong namula.

Naisingit niya pa talaga 'yon?

"A-ano kuya, wag na ano ka ba. Saka hindi naman kami close no'n. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako tinulungan eh"

"Eh bakit namumula ka? Hindi kayo close pero tinulungan ka, tapos sa mismong dean niyo pa. Effort din 'yong pagkuha niya ng CCTV footages sa buong school niyo. Tapos hindi kayo close sa lagay na 'yon?" mahaba niyang litanya. "Nako Ella, ipapaalala ko lang sa 'yo. No boyfriend 'till 30" puno ng awtoridad niyang dagdag.

Napakunot-noo ako.

"Anong boyfriend boyfriend? Eh may Kara na nga si Chris kuya eh, saka kaibigan ko lang 'yon" parang may kumurot sa puso ko ng mabanggit ko ang pangalang Kara.

Para siyang diyosa, sobrang ganda niya talaga. Tapos halatang hindi rin basta-basta 'yong estado niya sa buhay, samantalang ako—bukod sa talino ko, wala naman na akong maipagmamalaki pa.

Bigla akong sinampal ng konsensiya ko.

Eh bakit ko ba kinukumpra ang babaeng 'yon sa sarili ko?

"Kaibigan kaibigan" singhal niya. "Try mo kayang tignan 'yang mukha mo sa salamin, hindi rin obvious na nagseselos ka eh no?"

"Ano ba kuya! Nakakainis ka naman eh! Hindi ko siya gusto, hindi ko siya gusto, at hindi ko siya gusto!" napahila ako sa buhok ko dahil sa inis.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon