KBANG (Chapter 43)

45 3 0
                                    

(Double Date Part 3)
***

ELLA

Kabado ako habang naka upo sa tabi ni Chris. Nakapikit lang ang mga mata ko habang tahimik na pinapakiramdaman ang unti-unting pag-angat ng sinasakyan namin.

"Oh my God Chris!" napayakap sa kaniya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at talagang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Hey, hey. Just relax, hindi na bibilis 'to huwag kang mag alala. Isa pa, nandito naman ako eh" hinagod-hagod niya ang likod ko.

"Paano ako mag re-relax eh unti-unti tayong umaangat. Paano kung nag brown out tapos ma-stuck tayo sa taas? Tapos mas-stuck na tayo doon forever kasi masyadong mataas doon kaya hindi nila tayo kayang i-rescue?"

"Well that won't be a problem" ramdam ko ang biglaang pagtibok ng puso niya. "Mas gugustuhin ko nang ma-stuck doon habang buhay kasama ka" natigil ako dahil sa sinabi niya.

Nagkarera ang mga kabayo sa dibdib ko kasabay ng banayad na paglipad ng mga paro-paro sa tiyan ko. Biglang umihip ang hangin. Napamulat ako ng mata at bumungad sa akin ang matamis na ngiti niya.

Napako ang tingin ko sa kaniya saka nahawa sa pag ngiti niya.

"You're insane" natatawa kong wika saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Insanely in love with you shy monster ko" he sexily whispered.

Ilang buwan na rin pala ang nakakaraan noong una kaming magkakilala. Hindi naging maganda 'yong simula namin pero kahit na gano'n, palagi niya akong tinutulungan at nililigtas sa kung ano-anong bagay na puwedeng makasakit sa akin.

At ngayon, nandito kaming dalawa. Magkasama at masaya. Mahal na mahal ko siya at ramdam ko na ganoon din ang nararamdaman niya para sa akin.

"Ella, look! Nasa taas na tayo" humiwalay siya sa akin saka masayang tumanaw sa labas.

Kanina ay takot na takot akong sumakay dito, pero ngayon parang bula 'yon na bigla na lang naglaho. Dahil sa pagpapagaan niya ng loob ko at dahil sa prisensiya niya sa tabi ko—naging matapang ako.

Masaya akong tumanaw rin sa baba at namangha sa tanawin.

Kita mula dito ang buong amusement park at ang ilang kalapit na nga lugar. Tanaw na tanaw ko rin ang mga tao na masayang namamasyal.

Ang gaan sa pakiramdam, para akong idinuduyan sa alapaap ng langit. Sino ba naman kasi ang mag aakala na sa isang bagay na kinakatakutan mo ay makakatagpo ka ng isang bagay na magpapasaya sa 'yo?

Napangiti ako ng maramdaman ko ang pagdaop ng palad ni Chris sa aking mga palad. Napatingin ako sa kaniya, gano'n din siya sa akin. Puno ng emosyon ang mga mata niya, ngumiti siya.

"Shy monster ko, may naalala lang ako" bigla niyang wika. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya, umakbay siya sa akin saka niya hinaplos-haplos ang balikat ko.

"Ano naman 'yon?" taka kong tanong.

"Kasi 'di ba sinabi mo noon na magagalit 'yong magiging boyfriend mo kasi hindi siya 'yong first kiss mo?" napabangon ako saka kunot noong nakatingin sa kaniya.

Naalala ko ngang sinabi ko 'yon sa kaniya.

"At?"

"Hindi ako magagalit promise"

Napahagikgik ako saka bumalik sa pagkakasandal sa kaniya.

"Parang siguradong-sugurado ka nang sasagutin kita ah?" biro ko saka nagpatuloy sa pagpuri sa tanawing nakikita namin.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon