(BOYFRIEND MATERIAL)
***ELLA
"S-salamat!" naiilang kong pamamaalam kay Chris saka sinarado ang maliit na gate ng bahay namin.
Hindi na 'ko nagtangkang lingunin pa siya dahil wala na talaga akong mukhang mai-haharap sa kaniya. Isa pa, kahit gusto ko siyang papasukin sa loob—maraming mga galamay 'yong mg tsismosang kapit-bahay. Mamaya isipin nilang nag-uuwi ako ng lalaki dito.
Hindi pa ako nakakapasok sa likod ay bigla akong napa-tigil, nagtaka ako kasi parang wala pa akong naririnig na kotseng umaandar. Napabuntong hininga ako saka umikot, tama nga ako naroon siya. Nakasandal siya sa kotse niya at blankong nakatingin sa 'kin.
"B-bakit nandiyan ka pa? W-wala ka bang balak na umalis?" utal kong tanong.
"Hinihintay kitang pumasok" malamig niyang tugon.
Biglang humangin ng malakas dahilan para maisayaw ang malampong niyang buhok. Hinawi niya 'yon pataas saka seryosong tumingin sa 'kin.
Lahat ng mga bagay sa paligid ay biglang naglaho, ako lang at siya ang natira.
Napalunok ako.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, nakaramdam din ako ng kakaibang uro kiliti sa tiyan ko. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatulala sa kaniya.
Kelan pa nagkaroon ng ganito ka-guwapong lalaki sa mundo?
"Hey, Miss Mataray! Are you ok?!" saka lang ako bumalik sa huwisyo ng bigla siyang magsalita.
Napa-tuwid ako ng tayo.
W-what did just happened?
"A-anong Miss Mataray ka diyan? Kelan kita tinarayan?!" napataas ang kilay ko saka nag cross arms.
"Ngayon ngayon lang" he coldly replied.
"So anong pinapatunayan mo?" talagang tinarayan ko na siya para naman magkaroon ng sense ang sinasabi niya.
Bakit ba kasi 'yon pa pinangalan niya sa 'kin eh hindi naman ako mataray? Saka ang ganda-ganda kaya ng pangalan ko!
"Na mataray ka talaga?" maang-maangan niyang sagot.
"Sabi nang hindi ako mataray eh!" inis na sigaw ko. "Saka puwedeng wag 'yon ang itawag mo sa 'kin? May pangalan ako 'no!"
"That's the point, I don't even know your name" umayos siya ng tayo.
Napahilamos ako sa mukha ko saka ako bagsak-balikat na tumingin sa kaniya.
"Edk ikaw na panalo!" inirapan ko siya. "Pumasok ka na nga lang!" naiinis kong tugon saka naglakad papalapit sa gate na ni-lock ko kanina.
Kung mas magtatagal siya diyan sa labas, mas lalo siyang magtsitsimisan ng mga kapit-bahay. Isa pa, papapasukin ko na siya para wala ma siyang masabi.
"Sigurado ka?" paninigurado niya.
"Sige wag na, mabulok ka sana diya—"
"I'll go in" putol niya sa 'kin saka naglakad papalapit ng gate.
Dami pa kasing satsat, papasok din naman pala. Inirapan ko na na lang siya saka ko tuluyang binuksan ang gate.
"What if may masama pala talaga akong balak sa 'yo?" muli niyang tanong saka naglakad papasok. "Hindi mo pa naman ako kilala pero pinapapasok mo na ako kaagad?"
"Bahala na" wala sa sarili kong sagot.
Kung may masama man siyang balak edi sisigaw ako ng bonggang bongga para madinig nang mga tsismosang kapit bahay, sure ako makikiosyoso sila. At least magkakaroon na rin sila ng silbi sa mundo.
BINABASA MO ANG
✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)
Teen Fiction"Is it a kiss from an angel, or a curse from the devil?" A/N: unedited po. Maraming typos, wrong grammars at plot holes. (Completed)