KBANG (Chapter 13)

111 5 0
                                    

(DEATH SCORPIONS)
***

ELLA

"Oh, tawagan mo na lang ako pagkatapos mong bilhin lahat ng gagamitin mong materials para masundo kita okay?" bilin ni kuya Joaquin pagkahinto na pagkahinto ng motor niya sa harapan ng mall.

Agad akong bumaba saka ko inabot sa kaniya ang helmet na suot ko.

"Sige kuya, salamat ulit sa pag-hatid" lumapit ako sa kaniya saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Ilang saglit pa ay humiwalay na kami sa isa't-isa saka niya ginulo ang buhok.

"Ang sweet-sweet talaga ng kapatid ko!" naka-ngiti niyang wika. Agad kong inilayo ang ulo ko sa kaniya saka ako kunot-noong nagsalita.

"Ano ba kuya! Ang gulo na nga ng buhok ko guguluhin mo pa eh" reklamo ko saka ko sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. Tumawa lang siya. "Saka umuwi ka na kaya? Ang baho mo na eh!" biro ko sa kaniya saka ko tinakapan ang ilong ko.

Inamoy amoy naman niya ang katawan niya saka napa ismid.

"Loko ka talaga Janella" napailing-iling siya saka pinaandar ang motor niya. "Sige aalis na 'ko, wag mong kalilimutan 'yong mga bilin ko sa 'yo" puno ng awtoridad niyang uto.

Tumango-tango ako saka ngumiti.

"Siyempre naman kuya"

***

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng mall ay agad akong nagtungo sa National Bookstore para bumili ng mga kakailangan ko sa plate na pinapagawa ni prof Alejandro. Hindi na rin ako nasamahan ni Janina dahil may lakad daw siya kasama ang parents niya.

Nang maka-rating ako do'n ay mabilis kong inilabas ang listahan ko, pagkatapos kong makuha lahat ng mg kailangan ko ay ibinaba ko muna ang basket na pinaglagayan ng mga materials na bibilhin ko saka ko kinuwenta ang lahat ng 'yon. Baka kasi magkulang ang perang dala ko— gawin pa akong janitress dito.

Napangiti ako ng marealized na sobrang dami pa palang sobra.

Lakad takbo akong nagpunta sa novel section ng store, kahit na malayo pa ako do'n ay kitang-kita ko na ang nag-iisang kopya ng THE SHINING na simulat ni Stephen King.

Sa totoo lang, matagal ko na talagang pangarap na makakuha ng kopya no'n. Kahit napanood ko na 'yong movie version, gusto ko pa rin talagang magkaroon ng physical copy.

Ayan na! Konti na lang!

Nang makalahati ko na ang nilalakad ko, sandali akong napatigil saka ko hinihingal na pinupunasan ang noo ko.

Ma-imagine ko pa lang na hawak ko na 'yon pauwi ng bahay kinikilig na talaga ako.

Paano ko kaya 'yon babasahin mamaya? Padapa ba? Pahiga? Uupo ba ako sa study table ko? Eh sa'n ko naman siya idi-display kapag tapos ko nang basahin? Sa mini-book shelf ko ba o sa sala?

Napangiti ako saka inayos ang tindig ko.

Nang mag-akma akong humakbang ay isang lalaki na naka-suot ng itim jacket ang naglakad papalapit do'n saka niya 'yon kinuha. Naka-talikod siya sa 'kin kaya hindi ko nakita kung sino siya.

Natuod ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw dahil sa gulat.

A-anong nangyari?

Hanggang sa makita ko na lang na naglakad na ulit ang lalaki palayo sa lugar na 'yon—at do'n lang ako bumalik sa katinuan.

"Hoy! Libro ko 'yan!" malakas kong sigaw.

Binitawan ko ang hawak kong basket saka mabilis na tumakbo papunta sa direksyon kung saan maglakad ang buwisit na lalaking nagnakaw sa libro ko.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon