KBANG (Chapter 17)

106 5 2
                                    

(HIDING PLACE)
***

ELLA

Itiniklop ko ang librong bigay sa akin ni Chris saka ko 'yon nilagay sa mini bookshelve ng kuwarto ko. Ilang minuto na lang bago mag 9:30 pm pero hindi pa rin talaga ako makatulog. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang lalaking yon.

Chris Nicola Vergara.

Mabait din naman pala talaga siya. Nakakatuwa lang isipin na 'yong taong anyak na color blind na magnanakaw ng halik na 'yon pala ang mag-liligtas sa akin sa loob ng stcokroom na 'yon.

Pero hindi dahil tinulungan niya ako okey na kami, hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong ginawa niya sa 'kin kahit na nag sorry na siya 'no! Kumbaga, civil sttus kami ngayon.

Napabuntong hininga ako saka pabagsak  na humiga sa kama ko.

Ilng saglit lang ay biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'yon saka tinignan.

Unknown number? Sino naman 'to?

Tumanaw ka sa bintana

Tumanaw sa bintana? Sino naman 'to? Pinagtritripan na naman ba ako ng kung sino?

Wala sa sarili akong bumangon, hinawi ko ang kurtina na naka-harang sa bintana ng kuwarto ko saka ko sinilip kung mero'n nga bang kung ano do'n.

Bumungad sa 'kin ang isang matangkad na lalaking naka-suot ng itim na leader jacket at salamin habang prenteng naka-sandal sa iaang pulang kotse.

"Chris?" nanlaki ang mga mata ko.

Ano nanaman ba ang trip ng lalaking 'yan at bigla-bigla na lang susulpot dito sa labas ng bahay ng ganito ka-late?

Kinuha ko ulit ang phone ko saka tinawagan ang number na nagtext sa 'kin kanina. Ilang saglit lang ay may kung ano siyang dinukot sa bulsa niya, sandali siyang napa-tingin sa bintana ko saka sinagot ang phone.

"Hello?"

"Anong ginagawa mo diyan sa baba? Gabi na ah! Umuwi ka na baka magising sila mama" bungad ko.

"Inaatake ako ng insomia ko, and by the looks of it—mukhang ikaw rin" malamig na sagot niya.

"Eh basta! Bahala ka pag 'di ka umuwi sasakmalin ka ng aso namin" banta ko, naglakad ako ulit pabalik sa bintana saka ko siya sinilip. Bumuntong hininga siyam

"Wala kayong aso, don't lie to me"

"May aso kami! Kakabili lang kahapon" pagsisinungaling ko. "Bulldog 'yon bahala ka" pananakot ko pa.

Hindi siya sumagot.

"Eh ano ba talaga kasing sadya mo? Saka tignan mo nga 'yang hitsura mo diyan ngayon, para kang akyat bahay sa pormahan mo!"  ko.

"What a warm way to welcome your guest"

"As long as I know wala akong bisita kaya puwede bang umuwi ka na?" masungit kong tugon sa kaniya.

"Uuwi lang ako pag bumaba ka na dito" pagmamando niya.

Wow! Inutusan pa 'ko ng buwisit na lalaking 'to! Dahil napakulo mo ang dugo ko ngayong gabing 'to, A+ ka sa 'kin mister Vergara!

"Bahala na!" inis kong pinatay ang phone ko saka maingat na binagtas ang hagdan pababa ng bahay namin.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng main door ay agad akong lumabas para kausapin siya.

"O ito na, nakababa na ako. Puwede ka na bang umuwi?" maasim kong litanya sa kaniya habang naka pamewang.

"Ba't ba atat na atat kang paalisin ako?" kunot noo niyang tanong saka tumayo ng tuwid.

✔ Kissed By A Nerdy Gangster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon