Chapter XV

4.7K 954 56
                                    

Chapter XV: Taking Advantage of

Sa pag-alis ng pangkat ng New Order kasama ang iba pang mga adventurer na nais makausap si Finn para makipagnegosasyon, may ilan pang indibidwal at grupo ang naiwan doon na hindi pa rin umaalis hanggang ngayon. Sila ang mga indibidwal at grupo na ang intensyon lang ay manood sa mga mangyayari. Naroroon lang sila para magmasid kung ano pa ang mga hakbang na gagawin ni Finn at ng New Order dahil para sa kanila, hindi pagsasayang ng panahon ang paghihintay sa mga ito. Nakikita nila ang pangyayaring ito bilang oportunidad para sa kanila dahil aktuwal nilang makikita at makakasalamuha sa iisang lugar ang isang makasaysayang indibidwal at puwersa na siguradong matatala sa kasaysayan ng sanlibutan.

Matapos ang ilang sandali, nagsimula na ring mag-alisan ang mga indibidwal at grupong naiwan. Wala na silang hinihintay pa rito dahil ang kanilang nais makita ay nakaalis na. Nasaksihan na rin nila ang dapat nilang masaksihan kaya ngayon, itutuloy na nila ang kani-kanilang gagawin.

Ipagpapatuloy na nila ang kanilang pakikipagsapalaran sa hangaring makatagpo ng oportunidad na maaaring bumago sa kanilang kapalaran.

Samantala...

“Magpatuloy na tayo sa paglibot sa mundong ito,” utos ni Attor sa kaniyang mga tauhan. “Si Delphine at ang kaniyang mga alagad ay siguradong pabalik na sa divine realm para magbalita sa Celestial Sky Emperor. Hindi natin sila gagayahin dahil wala tayong dapat pag-ulatan ng ating mga nasaksihan. Malaking pagsasayang din kung babalik tayo sa divine realm gayong mayroon na tayong munting pagkakaunawa sa mundong ito,” dagdag niya pa.

Sumaludo sa kaniya ang kaniyang mga tauhan bilang tugon. Walang sinoman ang tumutol, pero mayroong isa ang naglakas ng loob na magtanong.

“Tungkol kay Finn Silva at sa New Order... ano'ng balak natin sa kanila, kamahalan?” Tanong ni Vibius.

“Wala,” agad na tugon ni Attor habang walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata. Tumulala siya sa kawalan at nagpatuloy sa pagsasalita, “Mayroon silang kayamanan na makatutulong sa mga gaya nating tagalabas, subalit wala akong balak na makipagnegosasyon sa kanila. Hindi natin sila kakalabanin, subalit hindi rin natin ibababa ang sarili natin para makipagkaibigan sa kanila. Tayo ay mga dragon, at kayang-kaya nating makipagsapalaran sa mundong ito kahit pa may restriksyon ang ating kapangyarihan.”

“Mas matalinong hakbang kung iiwasan natin si Finn Silva at ang kaniyang pinamumunuang puwersa sa hinaharap. Hindi ito pagiging duwag, nag-iisip lang tayo dahil kung kakalabanin natin siya sa mundong, siguradong hindi maganda ang magiging resulta,” taimtim niyang paglalahad.

“Kahit sa divine realm..? Kailangan ba natin siyang iwasan kahit sa divine realm, kamahalan?” Tanong ni Vibius.

“Kahit sa divine realm,” mariing tugon ni Attor. “Nararamdaman ko na sa oras na tumapak siya sa divine realm, higit na siyang mas malakas kaysa ngayon. Malaki ang potensyal niyang maging isa sa labindalawang emperador, at sa nakikita ko, hindi lang siya magiging isang pangkaraniwang emperador dahil masyadong makasaysayan ang lahat ng tungkol sa kaniya. Ganoon man...”

Huminto siya sa pagsasalita at huminga muna ng malalim. Sumimangot siya at nagpatuloy sa pagsasalita, “..hindi ko sinabing susuko na lang tayo nang ganoon na lamang. May labindalawang trono para sa pinakamakakapangyarihang nilalang sa divine realm. Marahil makukuha niya ang isa, subalit may natitira pang iba. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakukuha ang trono ng isa sa mga emperador o imperatris ng divine realm. Wala akong pakialam kahit pa abutin ng milenyo ang ating pakikibaka para sa trono dahil kapag nagkaroon na ako ng puwesto, lahat ng pagsasakripisyo natin ay mababayaran.”

“Titingalain tayo at katatakutan. Lahat ng mga nanghamak sa atin ay ating babalikan at wala nang sinoman ang maaaring umalipin sa atin,” dagdag niya.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon