Chapter LVII

4.5K 897 43
                                    

Chapter LVII: The Only Hope

Sa gabay nina Dionne at Khais, narating nina Finn, Meiyin, Eon, Poll, at Matt ang isang silid. Sa silid na ito muna sila mamamalagi habang nagpupulong si Voraan at ang mga elder patungkol sa isasagawang pagsubok ni Meiyin. Mag-uusap-usap pa ang mga ito kaya binigyan muna ng mga ito si Meiyin ng kaunting panahon para makapaghanda at makapag-isip-isip. Hindi simple ang gagawing pagsubok nitong at kailangan niyang ikondisyon ang kaniyang sarili bago siya sumalang sa pagsubok na ipapagawa sa kaniya ni Voraan at ng mga elder.

Samantala, nang maihatid nina Khais at Dionne sina Finn, hindi kaagad sila umalis; bagkus, sandali silang nanatili roon para kaswal na makipag-usap kay Finn patungkol sa ilang mahalagang bagay.

Nagpaiwan din si Finn sa labas ng silid at pinapasok niya na sina Meiyin sa loob.

“Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo. Hindi ko inaasahan na bibigyan kayo ng pagkakataon ng aming pinuno at ng mga elder,” panimula ni Dionne. “Gayunpaman, napakahirap ng ipinapagawa nila sa iyong kapatid, at duda ako kung magtatagumpay siya. Sa kabila noon, napahanga niya kami dahil sa kaniyang lakas ng loob. Bibihira ang kagaya niyang handang magsakripisyo para magligtas ng buhay ng iba.”

Hindi tumugon si Finn. Nanatiling taimtim ang ekspresyon niya sa mukha at dahan-dahan niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa pinto ng silid kung saan naroroon sina Meiyin.

Nanatiling nakangiti si Dionne kahit hindi tumutugon sa kaniya si Finn. Tungkol kay Khais, seryoso pa rin ang ekspresyon nito at walang naging pagbabago sa pakikitungo nito kina Finn.

“Ipapahatid na lang namin dito ang dalawa mong tauhan. Babalik na kami sa aming puwesto para samahan ang iba pang protektor na bantayan ang teritoryo namin,” ani Dionne. Sumeryoso ang kaniyang ekspresyon at marahan siyang nagpatuloy sa pagsasalita, “Kung hindi n'yo alam, bukod sa inyo ay mayroon pang ibang nakakita sa amin. Nakabuntot sa inyo ang mga iyon at maingat sila dahil hindi sila lumalampas sa barrier na humaharang sa amin.”

Ibinaling na ni Finn ang kaniyang tingin kina Dionne. Walang pagbabago sa kaniyang ekspresyon, taimtim pa rin ito habang ang kaniyang mga mata ay hindi makikitaan ng emosyon.

“Ako ang sadya nila. Siguradong wala silang alam sa inyo kaya hindi n'yo kailangang mag-alala. Sisiguruhin ko rin na hindi kakalat ang tungkol dito dahil pagkaalis namin sa inyong teritoryo, ililigpit ko na ang mga iyon,” malamig na sambit Finn.

Napakunot ang noo ni Dionne habang nakuha din ni Finn ang atensyon ni Khais. Hindi lubos akalain ng dalawa na may ganito itong bahagi--marahas at nakasisindak. Akala nila ay malambot ito, subalit sa kanilang nakikita't nararamdaman ngayon, ito ay isang adventurer na handa ring pumaslang kung kinakailangan.

“Mukhang kaaway mo ang mga iyon. Kung gayon, ipauubaya na lang namin sa iyo ang tatlong iyon kapag hindi sila pumasok sa loob ng barrier. Kailangan mong tuparin ang ipinangako mo sa amin dahil kayo ang dahilan kung bakit nila kami nakita,” lahad ni Dionne.

“Hindi ko kakalimutan,” walang emosyong tugon ni Finn.

Nakarinig ang dalawa ng pagsinghal. Pumihit na si Khais at nagsimula na itong lumakad palayo, at habang humahakbang, nagsadalita ito.

“Tara na. Masyado nang nasasayang ang panahon natin dito,” mariing sambit ni Khais.

Tuluyan nang nagpaalam si Dionne sa kaniya kaya nagpaalam na rin siya rito. Maayos ang pakikitungo nito sa kaniya at kung hindi dahil dito, marahil hindi nila makakausap si Voraan at ang mga elder.

Mabait si Dionne, iyon ang napansin niya. Tungkol kay Khais, wala siyang hinanakit o inis dito dahil si Khais ay isang perpektong emplo ng pagiging protektor. Ginagawa lang nito ang trabaho niya at sa nakita niya, sobra-sobra ang pagpapahalaga nito sa kapayapaan ng tribo ng mga ankur.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon