Chapter XLVII

4.8K 920 45
                                    

Chapter XLVII: New Order Sanctuary and the Beast God's Treasure

Ang mapang nakalarawan sa tela ay halos kapareho lang ng mapa ng Land of Origins. Wala itong gaanong ipinagkaiba sa mapang ibinigay sa kaniya ng pamunuan ng Creation Palace, ganoon man, may isa itong ipinagkaiba sa karaniwang mapa.

Mayroong itinuturong kung ano ang mapa dahil mayroong nakalagay na kapansin-pansing ekis na palatandaan sa isang bahagi nito. Ang ekis ay matatagpuan sa isla sa mapa at malayo ito sa kasalukuyan nilang kinaroroonan.

Kaagad silang napaisip at pare-pareho sila ng mga tanong sa kanilang isipan.

Ano ang itinuturo ng mapa? Ano ang mayroon sa islang iyon bakit mayroong nakalagay na palatandaan doon?

Ito ang mga tanong na gusto nilang magkaroon ng kasagutan, subalit alam nilang lahat na ang tanging paraan lang para makuha ang sagot nila ay ang pagpunta sa lugar na itinuturo ng mapa.

Makaraan ang ilang sandali, bahagyang ngumiti si Finn kay Eon at sinabing, “Mukhang alam ko na kung ano ang sunod na pakikipagsapalaran na ating isasagawa. Nararamdaman kong isang malaking oportunidad ang naghihintay sa atin sa lugar na iyan.”

“At sa tingin ko, espesyal na oportunidad para sa iyo, Eon,” pahabol niya.

Kung ang mapa ay nagtataglay ng Dragon's Might, siguradong pagmamay-ari ito ng makapangyarihang dragon. Hindi sigurado ni Finn kung ano ang intensyon ng dragon na iyon, subalit malakas ang kutob niya na nais ibigay ng dragon na iyon ang kaniyang pamana sa karapat-dapat.

Marahil makapangyarihan na si Eon dahil kay Grogen, subalit mas magiging makapangyarihan pa siya kung makakakuha siya ng kapaki-pakinabang na bagay sa isa pang makapangyarihang dragon kagaya na lang ng mga skill at technique. Isa pa, hindi malabong may mga kayamanan din sa isla na naghihintay lang na may karapat-dapat na kumuha. Kung naroroon pa ang mga kayamanan na iyon, at kung makukuha nila iyon, isa na namang malaking suwerte para sa kanilang puwersa.

“Sana ay nag-iisa lang ang mapa na iyan. Hindi maganda kung mayroon na palang nakauna sa atin doon sa isla,” sambit ni Finn.

Umismid si Eon at kumpyansa siyang nagwika, “Sigurado akong nag-iisa lang ito, Master. At kung sakali mang mayroon pang ibang ganito sa mundong ito, sigurado ako na wala pang nakatutuklas sa sikreto nito bukod sa atin. Hindi lang ito basta-basta tumatanggap ng pangkaraniwang dugo, ang tinatanggap nito ay dugo ng isang makapangyarihang dragon na kagaya ko.”

Tumawa si Meiyin na kanina pa nananahimik. Malapad niyang nginitian si Eon at sinabing, “Masyado kang kumpyansa, pero makabuluhan ang sinabi mo kaya magdilang-anghel ka sana.”

Hindi tinugunan ni Eon ang sinabi ni Meiyin, bagkus mahina siyang suminghal at agad na umiwas ng tingin.

Sa kabilang banda, taimtim na ekspresyong sinaksihan ni Poll ang mga pangyayaring ito. Pilit niyang iniiwas ang kaniyang atensyon kina Eon at Meiyin kaya bumaling na lang siya kay Finn. Bahagya siyang ngumiti sa kaniyang guro at malumanay na nagtanong, “Kailan tayo magtutungo sa lugar na iyon, Guro?”

Napaisip si Finn. Binalingan niya ng tingin si Auberon at dito niya ipinasa ang tanong.

“Sa tingin mo, Auberon? Sa palagay mo ba ay dapat na kaagad tayong magsagawa ng paglalakbay patungo sa lugar na itinuturo ng mapa?” Tanong niya.

Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Auberon, subalit makikitaan ng paggalang ang kaniyang mga mata habang nakatingin siya kay Finn. Bahagya niyang ibinuka ang kaniyang bibig at malumanay siyang tumugon, “Kung ano ang sa tingin mo ay mainam na gawin, batang panginoon. Ang masasabi ko lang, laging handa ang iyong hukbo. Sa isang utos mo lang, siguradong kikilos kaagad sila at isasakatuparan ang iyong nais mapagtagumpayan.”

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon