Chapter XXVI

4.8K 912 55
                                    

Chapter XXVI: Reunited

Huminto si Finn sa harap ng pintuan ng silid na sinasabing kinaroroonan ni Ursur at ng mga miyembro ng Dark Crow. Hindi niya agad binuksan ang pinto; bagkus, huminga muna siya at tila ba nag-iisip ng malalim. Kasalukuyan siyang nakararamdam ng kakaibang saya dahil sa wakas, muli niya nang makikita ang mga nakasama niya noon sa Dark Continent. Sila ang magkakatulong para kalabanin ang Imperyo ng Rowan ganoon din ang Banal na Simbahan, at noon, mayroon silang alyansa na tinatawag na New Order Alliance kung saan nagsanib-puwersa ang iba't ibang lahi para mapatalsik si Rajin Rowan at ang mga tauhan ni Liere Eden.

Hindi niya maiwasan na balikan ang mga alaala ng nakaraan--magaganda o mapapait mang alaala.

Huminga siya ng malalim. Bahagya siyang ngumiti at hinawakan niya ang bukasan ng pinto. Matapos siyang makapagdesisyon, tuluyan niya nang binuksan ang pinto at pagkabukas na pagkabukas niya, kaagad na lumantad sa kaniya ang mga adventurer na malalapit sa kaniya.

Tahimik na ang silid bago pa siya pumasok. Naabutan niya na para bang may kaniya-kaniyang mundo ang mga miyembro ng Dark Crow. At dahil sa kaniyang pagdating, animo'y mas lalong naging hindi komportable ang mga ito dahil matapos siyang sulyapan ng mga ito, kaagad silang umiwas ng tingin at tila ba hiyang-hiya sila sa kanilang sarili.

Ang tanging nakatingin lang ng deretso sa kaniya ay sina Ursur, Enox, at Riyum.

Kaagad na bumakas ang matinding saya sa mukha ni Riyum. Tumakbo kaagad ito papalapit sa kaniya at wala siya nitong pag-aalinlangan na niyakap ng mahigpit.

“Kaibigan Finn! Riyum masaya kita muli kaibigan Finn!” Tuwang-tuwang sabi ni Riyum habang yakap-yakap at buhat-buhat niya si Finn.

Napangiwi na lang si Finn dahil sa pagyakap sa kaniya ni Riyum. Hindi siya komportable, subalit hinayaan niya na lang ito dahil halata niya na sabik na sabik itong makita siya.

“Riyum...” hindi mapigilan ni Enox na mapailing. Nakaramdam siya ng hiya dahil muli, kinukulit muli ng kaniyang pamangkin si Finn.

Nahihiya siya at hindi rin siya komportable sa ginagawa ni Riyum dahil anoman ang mangyari, si Finn ay kanilang pinuno. Hindi maganda kung makikita ng iba na ganito kung ituring ni Riyum si Finn, pero wala siyang magawa dahil ang kaniyang pamangkin ay simple lang mag-isip at hindi pa nakakaintindi ng mga komplikadong bagay.

“Riyum, masaya rin akong makita ka pero... maaari mo ba akong pakawalan at ibaba muna?” Pilit-ngiting sambit ni Finn. “Kakausapin ko muna ang iba pa nating mga kaibigan dahil nasasabik din akong makausap sila,” dagdag niya.

Nang marinig ang sinabi ni Finn, walang pag-aalinlangan na sumunod si Riyum. Pinakawalan at ibinaba niya kaagad ito at matuwid siyang tumayo sa tabi nito na para bang isang masunuring bata.

Natuwa sa kaniya si Finn dahil sa pagiging masunurin niya at pagkatapos, nag-apir pa silang dalawa at matamis na nagngitian.

Matapos makipag-interaksyon sa kaniyang kaibigan, itinuon na ni Finn ang atensyon niya sa iba pang naroroon sa silid. Naabutan niyang nakatingin sa kaniya si Gin, subalit kaagad itong umiwas ng tingin nang magtama ang kanilang mga mata.

Binalingan niya ng tingin ang iba pang miyembro ng Dark Crow. Lahat ng mga ito ay hindi makatingin sa kaniya ng deretso--maging sina Zed at Grey na palaging masigla sa tuwing nagkikita-kita sila ay tahimik at halatang hiyang-hiya.

Hindi siya sanay sa kasalukuyang ipinapakita ng New Order. Napabuntong-hininga na lang siya. Sunod niyang binalingan ng tingin sina Enox at Ursur, at nakita niyang bumuntong-hininga rin ang mga ito at bahagyang umiling.

“Dumating kayo para sa akin... Masayang-masaya ako dahil sa kabila ng nagawa ko sa inyo sa Planetang Accra, hindi n'yo pa rin ako nakalimutan,” malumanay na sambit ni Finn. “Ang malaman na sinundan ninyo ako para tulungan ay talagang nagpasaya sa akin... Salamat dahil sa kabila ng lahat ng nangyari, kaibigan pa rin ang turing ninyo sa akin.”

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon