Chapter LXXXII

4.9K 856 44
                                    

Chapter LXXXII: Getting Ready for a Massacre (Part 1)

Hindi kalaunan, ang mga dibisyon na lumabas para makipagsapalaran ay isa-isa nang nagbalikan sa santuwaryo. Inihinto nila ang isinasagawa nilang pakikipagsapalaran at agaran silang bumalik sa pinakamabilis na paraan dahil mas mahalaga at mas prayoridad ang kasalukuyang kaganapan sa New Order kaysa sa kanilang pakikipagsapalaran.

Sa kasalukuyan, hindi pa nakakabalik ang lahat ng dibisyon, subalit siguradong nagmamadali na ang bawat isa dahil ang kasalukuyang sitwasyon ng New Order ay kailangan ng biglaang pangangailangan. Pinagmamadali na sila ng kanilang pinuno. Makikidigma sila sa pumupuntirya sa kanila kaya maliban sa mga nagsasanay sa loob ng Myriad World Mirror ganoon din sa mga kailangang manatili sa santuwaryo, ang presensya ng bawat isang kapitan at bise kapitan ay kailangan.

Ito ang una nilang pakikidigma bilang isang puwersa. Dito na masusubukan ang kanilang lakas at dito na nila makikita ang kanilang paghihirap sa mga nagdaang taon. Marahil hindi maikokonsidera bilang mahirap na kalaban ang kanilang kahaharapin, subalit sineseryoso nila ito dahil nakataya rito ang karangalan ng New Order. Hindi ito paglulunsad ng digmaan para malaman kung sinong puwersa ang mas malakas, ito ay paglulunsad ng digmaan para sa karangalan.

Pinuntirya't pinaslang ang kasamahan nila. Hindi agawan o labanan para sa kayamanan ang nangyari dahil ang gusto ng Darkeous Clan ay pabagsakin si Finn at ang New Order. Hindi sadyang pinupuntirya ng ikapitong dibisyon ang Darkeous Clan, subalit pinupuntirya ng Darkeous Clan ang New Order.

Siyempre, hindi hahayaan ni Finn na makalampas ang ganitong pangyayari kaya ngayon, tinipon-tipon niya ang mga mandirigma ng New Order para makipagdigmaan sa Darkeous Clan. Sinagad siya ng mga ito kaya ngayon, ang gusto niya ay tuluyan nang pabagsakin at wakasan si Raseous at ang pinamumunuan nitong angkan.

At kung sakali mang mayroong tutulong o poprotekta sa mga ito, hindi siya mag-aatubili na isama sila sa pagbagsak ni Raseous at ng Darkeous Clan.

Ang tanging bumabagabag na lang kay Finn ay ang iba pang salarin--si Brien at ang Musikeros. Hindi niya sigurado kung gaano na kalakas ang puwersa ng mga ito. Wala silang impormasyon kung may mga puwersa, grupo, o indibidwal bang nanumpa ng katapatan dito. Malaking problema kung may mga tauhang Saint Rank o kahit isang Demigod Rank si Brien, subalit malakas ang kutob niya na hindi pa ganoon kalakas ang mga ito kaya kahit papaano, medyo panatag pa rin ang kaniyang kalooban.

Dahil kung higit ng mas malakas ang mga ito kaysa sa New Order, hindi na nila kailangan pang magkubli sa dilim. Direkta na silang aatake at hindi na sila gagamit ng maruming panlilinlang.

Hindi rin masigurado ni Finn dahil sa totoo lang, hindi niya mabasa kung ano nga ba talaga ang tumatakbo sa isip ni Brien.

--

“Si Yuros na lang at ang mga kasama niyang miyembro ng ikaapat na dibisyon ang hindi pa dumarating, batang panginoon. Kinumpirma niyang lalahok siya sa pakikidigma kaya nakasisiguro ako na pabalik na siya rito,” ani Auberon.

Ganoon pa rin ang puwesto nila hanggang ngayon. Nananatili pa ring nakabaling ang atensyon ni Finn sa mga dibisyong nakahanay habang nasa likod niya si Auberon. Naroroon pa rin ang dalawang miyembro ng ikalawang dibisyon at binabantayan pa rin nila si Saksha.

“Kung sinabi niyang darating sila, hihintayin natin sila. Ang espesyal na dibisyon ay sapat na para salakayin ang puwersang kagaya ng Darkeous Clan. Marami tayong Immortal Rank sa ating hanay, subalit matatagalan ang pagbagsak ng buong angkan ni Raseous kung kakaunti lang ang ating isasama sa pakikidigma,” marahang tugon ni Finn. “Isa pa, pangalan ng New Order ang pinag-uusapan dito. Kung ang mga naiwan na miyembro nv espesyal na dibisyon lang ang aking isasama, hindi natin maipapakita sa iba na malakas tayo na tayo lamang. Kailangan ay naroroon ang mga orihinal na dibisyon at miyembro dahil kailangan nating ipaunawa sa iba na binubuo tayo ng malalakas at makakapangyarihang miyembro.”

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon