Chapter LXIX: Another Being From Ancient Times
“Malapit na nating marating ang Land of Origins. Humanda na kayong lahat dahil sa oras na makakalap tayo ng mga impormasyon patungkol kay Finn Silva, tutugisin na natin siya at papaslangin,” malamig na sambit ni Delphine. Nakasakay sila ngayon sa isang air ship at sa kasalukuyan, nasa labas sila at nagtitipon-tipon. Pumihit siya at hinarap ang dalawang nakasuot ng balabal. Sumeryoso ang kaniyang ekspresyon at mariing nagwika, “Alam mo na ang gagawin mo, Soul Puppet King. Palalabasin mo lang ang lahat ng iyong manika at pupuntiryahin mo si Finn Silva. Kung mapapatay natin ang kasama niyang si Auberon, ang black dragon, at ang kakaibang nilalang na may kakayahang pansamantalang magpataas ng antas ranggo, mas mabuti. Kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang kalapastanganan... at babayaran niya iyon ng kaniyang buhay.”
“Alam ko na ang gagawin ko kaya hindi mo na kailangan pang ulitin nang ulitin. At huwag mo akong ituring na utos-utusan dahil hindi kita amo. Inarkila n'yo lang ako at ang aking trabaho lang ay ang paslangin si Finn Silva,” malamig na tugon ng tinig ng isang lalaki.
Suminghal si Delphine dahil sa kawalang-galang na ipinapakita sa kaniya ng kaniyang kausap. Hindi na lang siya nagsalita at muli na siyang humarap sa direksyon kung saan sila naglalakbay.
‘Hmph! Kung hindi lang namin kailangan ang mga manika mo, hindi namin aarkilahin ang kagaya mo. Masyado kang mapagmataas gayong wala ka pa namang napapatunayan. Masyado pang mababa ang iyong antas, subalit kung umasta ka, mas mataas ka pa sa amin,’ sa isip ni Delphine. ‘Siguraduhin mo lang na magagawa mo kung ano ang trabaho mo dahil kung hindi... ako mismo ang papatay sa iyo at sa iyong kasama.’
Hindi pa rin siya makampante hanggang ngayon dahil buhay pa rin si Finn, at makararamdam lang siya ng ginhawa kapag nasigurado niya na patay na ito. Hindi rin siya umaasa na mapapatay ito nina Diar; iyon ang dahilan kaya bumalik siya sa divine realm para hingin ang tulong ng Celestial Sky Emperor.
Ngayon, kasama niya ang ilang tauhan ng Celestial Sky Emperor at ang Soul Puppet King. Sa isang ito sila pinaka umaasa dahil sa mga soul puppet nito na siguradong wala ring restriksyon sa Land of Origins.
Makaraan ang ilang sandali...
Bigla na lang nagbago ang ekspresyon ni Delphine. Nagdilim ang kaniyang ekspresyon at nanggalaiti siya sa galit. Bumakat ang mga ugat sa kaniyang noo at mahigpit niyang ikinuyom ang kaniyang kamao.
“PANGAHAS KA, FINN SILVA!!!”
--
“Magaling ang ginawa n'yong tatlo. Ngayon, wala nang sinomang asungot ang susunod sa akin. Hindi ko na rin kailangang mag-alala na baka kumalat ang tungkol sa pinagtataguan ng mga ankur,” ani Finn habang nakangiti kina Reden, Heren, at Ysir na kasalukuyang luhod sa kaniyang harapan gamit ang isa nilang tuhod.
Nasa ibabaw pa rin sila ng kagubatan at katatapos lang paslangin nina Reden sina Diar, Goran, at Zeleste. At sa kasalukuyan, ang mga bangkay ganoon din ang mga pag-aaring kayaman ng mga ito ay nakaimbak na sa kaniyang imbakan.
Ang nangyari ay isang hindi patas na labanan. Walang nagawa ang tatlong earth celestial sa tatlong soul puppet kahit na inilabas na nila ang lahat ng alas na mayroon sila. Dumating pa rin sila sa punto kung saan napagod sila at hindi kalaunan, sunod-sunod silang napaslang nina Reden, Heren, at Ysir.
Hanggang sa kanilang huling hininga, isinusumpa nila si Finn--lalong-lalo na si Zeleste na sagad ang galit dito dahil hindi niya tanggap ang kaniyang pagkamatay.
“Makakabalik na kayo. Tatawagin ko na lang ulit kayo kapag kailangan ko kayo,” ani Finn.
“Masusunod, Master!” Sabay-sabay na tugon ng tatlong soul puppet.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]
FantasyArmado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwers...