Chapter LXXXVI

4.8K 848 33
                                    

Chapter LXXXVI: Last Struggle

Habang tumatagal, ang aura ni Raseous ay pataas nang pataas. Sa kabila nito, nananatili pa rin siya sa 9th Level Heavenly Supreme Rank. Kumapal lang ang kaniyang aura at mas naging marahas pa ang enerhiyang bumabalot sa kaniyang katawan. Bukod pa roon, habang tumatagal, kapansin-pansin na nagkakaroon ng pagbabago sa kaniyang katawan. Malinaw na hindi pa ito ang ikalawang antas ng foundation art niya dahil ang nangyayaring pagbabago lang sa kaniyang katawan ay ang pagliit at pagpayat niya.

Sobrang lusog ng kaniyang pangangatawan sa puntong lumaki siya ng maraming beses kaysa sa pangkaraniwang tao. Animo'y naging pinakamaliit na higante siya dahil sa kaniyang taas at lapad, pero sa kasalukuyan, unti-unti siyang pumapayat at lumiliit. Animo'y natutunaw ang kaniyang taba sa katawan at habang patuloy na nangyayari ito, ang kaniyang aura ay patuloy rin sa pagtaas.

Kahit si Finn na nanonood mula sa malayo ay nahiwagaan sa kakaibang paraan ni Raseous. Ngayon lang siya nakasaksi ng ganitong klase ng technique kung saan posibleng tunawin ang taba para gawing karagdagang lakas at enerhiya. Bago ito sa kaniyang kaalaman at dahil dito, naging interesado siya sa kakayahang ito ni Raseous.

Marami na siyang karanasan kung saan nakasaksi siya ng kakaibang kakayahan. Isang halimbawa na riyan ang forbidden technique ng Crimson Blood Family kung saan maraming buhay ang kanilang kinuha para makamit ni Syr ang lakas at kapangyarihang hinahangad niya.

Nariyan din ang pagsasakripisyong ginawa ng labindalawang mensahero ni Liere para tawagin ang maliit na bahagi ng kaniyang kapangyarihan. Isa pa ay ang kakayahan ni Riyum na lumakas sa pamamagitan ng pagkain ng iba't ibang nilalang. Bukod sa tatlong ito, kabilang din ang kakaibang technique ni Jero sa nakakuha sa interes ni Finn dahil ang kakaibang technique nito ay napakahiwaga. Bigla na lang lubusang gumaling si Jero mula sa bingit ng kamatayan. Ito ay maihahalintulad sa natural na kapangyarihan ng mga fire phoenix at ankur.

Sa kabila ng nangyayaring pagtaas ng aura ni Raseous, nanatiling kalmado si Auberon. Hindi siya makikitaan ng katiting na pangamba. Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mga mata at tila ba wala siyang balak na pigilan ang ginagawang pagpapalakas ni Raseous. Hindi niya kailangang kumilos. Kumpyansa siya sa kaniyang lakas at kakayahan. Isa pa, hinahayaan niyang mangyari ito dahil mas gusto niyang talunin si Raseous sa pinakamalakas nitong hubog.

Ganito katindi ang kaniyang pagmamalaki at alam iyon ng lahat ng nakakakilala sa pagkatao niya bilang dating pinuno ng Order of the Holy Light.

Kahit na ang Order of the Holy Light ay kilala bilang puwersa na may pagpapahalaga sa hustisya at kabutihan, si Auberon na dating pinuno nito ay marahas at walang awa. Hindi siya nagbibigay ng awa sa kaniyang mga kalaban at kapag mayroon siyang pagkakataon, agad niyang winawakasan ang sinomang sumasalungat sa kaniya.

Isa lang si Raseous sa mga nabuhay matapos makipaglaban sa kaniya. Hindi ito dahil magkasing-lakas sila, ito ay dahil takot lumaban ng harapan si Raseous at lagi itong umaatras kapag dehado na siya sa laban.

At dahil pinahahalagahan ni Auberon ang kapakanan ng New Order, hindi niya ipinilit ang paghahabol kay Raseous. Maraming masasawi kapag nagpumilit siya kaya hinayaan niya na lang na makatakas si Raseous.

Makaraan pa ang ilang sandali, ang pagtaas ng aura ni Raseous ay huminto na. Nababalutan siya ngayon ng makapal na enerhiya na nagkukubli sa buo niyang katawan at hitsura. Sobra ang iniliit at ipinayat niya, pero kung pagbabasehan ang anino ng hubog ng kaniyang katawan, masasabing normal na ang kaniyang laki at lapad kung ikukumpara siya sa isang normal na tao.

Unti-unting numipis ang itim na enerhiya. Unti-unti na ring lumalantad ang bagong anyo ni Raseous at nang mawala na ng tuluyan ang itim na enerhiyang nagkukubli sa kaniyang hitsura, doon na nakita nina Auberon ang kasalukuyang Raseous.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon