Chapter XCI

4.7K 887 66
                                    

Chapter XCI: Dilemma

“Mabuti naman at naisipan mo nang bumalik. Masyado kang natagalan gayong ang iniutos ko lang naman sa iyo ay mangalap ka ng impormasyon tungkol sa pinaplano ni Zephyrus at ng kaniyang mga tauhan,” nakasimangot na sambit ni Kailani habang nakatingin kay Marina na kararating lamang. “Inaasahan kong may baon kang kapaki-pakinabang na impormasyon sa iyong pagbalik dito kaya sabihin mo, ano'ng niluluto ni Zephyrus at bakit nakipagtagpo sa kaniya si Delphine?”

Nanatiling nakaluhod ang isang tuhod ni Marina sa sahig. Isa siyang water celestial, at isa siya sa anim na heneral ni Kailani. Hindi siya ang pinakamalakas na heneral. Isa lang siyang A Class General, pero kung ang pag-uusapan ay pagkitil o pag-eespiya, siya ang pinakamahusay sa mga larangang ito. Ito rin ang dahilan kaya siya ang naatasan ni Kailani para mangalap ng impormasyon tungkol sa mga nangyayaring kakaiba sa panig ng mga wind celestial.

Dahan-dahang iniangat ni Marina ang kaniyang ulo at nang makita niya si Kailani, napansin niya agad ang malamig nitong ekspresyon at ang malaki nitong simangot. Alam niyang mainit ang ulo nito, ganoon man, hindi siya natakot o nataranta dahil sanay na siya rito. Pinanatili niya ang kaniyang pagiging kalmado at pagkatapos, marahan siyang tumugon.

“Kamahalan, ipagpaumanhin mo kung natagalan ako sa pangangalap ng mga impormasyon. Masyadong masikreto ngayon ang Celestial Sky Palace kaya hindi agad ako nakakuha ng mapakikinabangang impormasyon. Kinailangan ko pang mag-abang, at sa kabutihang palad, nakakuha ako ng impormasyon mula sa dalawang delingkwenteng nag-uusap na wind celestial,” lahad niya.

“At ano ang narinig mo?” Taas-kilay na tanong ni Kailani.

“May nakaaway si Delphine sa mundo ng pinagmulan, Kamahalan. Iyon ang rason kaya siya bumalik dito--para humingi ng tulong sa Celestial Sky Emperor,” mahinahong tugon ni Marina. “Hindi ko alam ang eksaktong detalye, pero ang nakagirian ni Delphine ay isang soul puppet master na may mga manikang nasa Immortal Rank. Walang restriksyon na ipinapataw ang mundo ng pinagmulan sa mga walang buhay habang sa pangkat nina Delphine, nalilimitahan ang kanilang antas at ranggo kaya napunta sila sa dehadong sitwasyon.”

Agad na naunawaan ni Kailani ang ulat ni Marina. Hindi niya napigilan na mapangiti dahil sa nakikita niya, magandang balita ito. Hindi niya gusto si Delphine at ang mga tauhan nito dahil palagi siyang ginugulo ng mga ito. Kakampi rin ng mga earth celestial ang mga wind celestial kaya mas lalong mainit ang dugo niya sa mga ito.

Marahil iisa sila ng lahing pinagmulan, ganoon man, nagkakaroon pa rin sila ng mga pag-aaway dahil sa kompetisyong nagaganap sa divine realm.

“Soul puppet master?” Kuno't noong sambit ni Kailani. “Isa lang ang kilala kong soul puppet master na may mga manikang nasa Immortal Rank. Ibig sabihin ay nakagirian ni Delphine at ng kaniyang tauhan si Hugo, ang tinatawag nilang Soul Puppet King?”

“Hmph! Ang soul puppet master man na si Hugo o hindi ang kanilang nakagirian, labas na ako roon. Akala ko ay mayroon silang pinaghahandaang malaking pangyayari kaya sila bumubuo ng hukbo, iyon pala ay walang kuwentang girian lang ang kanilang pinagkakaabalahan. Talagang bumalik pa sila rito para humingi ng saklolo; nakakahiya't nakakaawa silang tunay,” tila ba nangungutyang hayag ni Kailani.

“Hindi ang Soul Puppet King ang nakagirian ni Delphine at ng kaniyang mga tauhan, ganoon man, ang Soul Puppet King ang inarkila nila para maghiganti sa kanilang nakagirian,” paglilinaw ni Marina. Sumeryoso ang kaniyang ekspresyon at mariing sinabing, “Isang water celestial ang kanilang nakagirian, kamahalan. At ang dahilan kung bakit sobra-sobrang importansya ang ibinibigay ni Delphine at Celestial Sky Emperor sa water celestial na iyon, dahil iyon sa malaking potensyal na tinataglay niya.”

“Inaakala ni Delphine at ng Celestial Sky Emperor na isa sa mga tauhan mo ang water celestial na may kakayahang kumontrol ng mga soul puppet. At dahil nangangamba sila, gusto na agad wakasan ng dalawa ang buhay ng water celestial na iyon,” dagdag niya.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon