Chapter XXX

4.6K 898 42
                                    

Chapter XXX: Meeting of the Higher-ups (Part 2)

Hindi nagtagal ang pagkabigla ng mga kapitan, bise kapitan, at ng iba pang naroroon. Karamihan sa kanila ay sumang-ayon sa binabalak ni Finn, at hindi man nila hayagang sinambit ang kanilang pagsuporta, sapat na ang kanilang pagngiti para ipakitang wala silang pagtutol sa pagtatag ng ikalabintatlong dibisyon at pagtatalaga kay Ursur bilang kapitan ng dibisyong ito.

Ang ilan sa kanila ay hindi pa gaanong pamilyar kay Ursur, subalit narinig nila mula sa iba na ito ay naging kasangga na ni Finn bago pa man siya makarating sa middle realm. Nagkasama na ang dalawa na makipagsapalaran noong nasa lower realm pa lang sila, at isa si Ursur sa tumulong kay Finn para matalo ang kanilang mga kalaban.

Sa madaling sabi, malalim na ang pinagsamahan ng dalawa kaya ganito na lang din kung magdesisyon si Finn para magtalaga ng isa pang dibisyon. Malaki ang tiwala nito kay Ursur at dahil ganoon din ang tiwalang ibinibigay nila sa kanilang pinuno, susuportahan nila ang desisyon nito.

“Pero siyempre, handa akong pakinggan ang opinyon ng iba tungkol dito. Kung sa tingin ninyo ay hindi ako patas sa pagtatalaga ko kay Ursur bilang kapitan, maaari kayong magpahayag ng inyong pagtutol,” sabi ni Finn at inilibot niyang muli ang kaniyang tingin sa mga naroroon.

“Ang iyong kaibigang si Ursur ay kasalukuyang nagtataglay ng 9th Level Heavenly Supreme Rank. Hindi ko sigurado kung ano ang eksakto niyang antas at ranggo, subalit kung iyan ang pagbabatayan, kuwalipikado siyang italaga bilang kapitan,” bilang komento ni Faktan habang malapad na nakangiti. “Bilang isa sa tatlong bise kapitan ng ikaapat na dibisyon, ibinibigay ko ang aking buong suporta sa iyo, Pinunong Finn,” dagdag niya pa at kagaya ng kaniyang nakagawian, makahulugan siyang tumingin kay Finn at binasa niya ang kaniyang labi.

Si Faktan ay isa sa tatlong bise kapitan ni Yuros, at kasa-kasama niya sa ikaapat na dibisyon ang magkasintahang sina Hara at Rako.

Matapos tumango, hindi na gaanong pinagtuunan ng pansin ni Finn si Faktan. Nakasanayan niya na ang pagiging kakila-kilabot nito kaya hindi na siya naiilang sa tuwing binibigyan siya nito ng makahulugang tingin. Alam na alam niya kung anong klase ng adventurer si Faktan bago ito maging bahagi ng New Order. Nagtataglay ito ng masamang reputasyon sa Crimson Lotus Realm dahil pumapaslang ito at kumakain ng ibang adventurer bilang libangan, subalit matapos nitong maging bahagi ng New Order, nagbago na ito ng tuluyan at wala na siyang kahit anong problemang narinig tungkol dito.

Bukod kay Faktan, ang mga bise kapitan ni Altair na magkakapatid na night demons ay may masama ring reputasyon sa Crimson Lotus Realm. Sila ang magkakasanggang-dikit na lumalaban ng hindi patas sa kanilang mga kalaban. At sa totoo niyan, itinuturing nina Lobos, Mobos, at Pobos na mahigpit na kalaban sina Rako at Hara. Mayroong alitan sa pagitan nila na hindi kalaunan ay naayos din dahil pinili ng magkakapatid na night demons na magbago para tanggapin sila ni Finn.

Binago ni Finn ang mga ito nang hindi niya sinasadya. Dahil nakitaan siya ng mga ito ng malaking potensyal, pinili siya ng mga ito na paglingkuran kahit pa kapalit noon ang kanilang nakagawian na paggawa ng kasamaan.

At hindi sila nagsisisi sa kanilang desisyon dahil iyon ang desisyon na bumago nang tuluyan sa kanilang mga buhay. Dahil kay Finn, nagkaroon sila ng direksyon at pag-asa na lumakas pa nang higit sa kanilang inaasahan.

Samantala, matapos ang naging pahayag ni Faktan tungkol sa kaniyang pagsuporta kay Ursur bilang bagong kapitan ng itatatag na ikalabintatlong dibisyon, ang mga kapitan at ibang bise kapitan ay nagpaabot din ng kanilang suporta.

Ang tanging nanatiling tahimik lang sa silid ay ang mga hindi kapitan at bise kapitan, ganoon man, sa bagay na ito, hindi na kailangan pang tanungin si Auberon dahil sigurado ang kaniyang buong suporta sa desisyon ni Finn. Tungkol kina Poll at Meiyin, bumaling sila kay Ursur at malapad na ngumiti. Si Eon ay nanatiling tahimik at hindi niya man lamang sinulyapan si Ursur upang ipaalam kung sumasang-ayon ba siya o hindi.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon