Chapter LXXV: Showing Who's the Boss; Failed?
Sa loob lang ng ilang segundo, agad na nagkaroon ng malaking pagbabago kay Finn. Bigla na lang bumigat ang kaniyang aura. Mabilis din ang pagtaas ng kaniyang antas at ranggo, at sa kasalukuyan, nalampasan niya na ang 9th Level Heavenly Supreme Rank. Madali niyang nakamit ang aura ng isang Chaos Immortal Rank at hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil sa paglipas ng bawat sandali, patindi pa nang patindi ang kaniyang aura.
Pinanood ng mga water celestial ang pangyayaring ito nang may paghanga sa kanilang mga mata. Narinig lang nila ang tungkol sa Four Guardians Killing Formation, at ngayong nasasaksihan nila ang aktuwal nitong kakayahan, hindi nila mapigilan na mamangha at malalim na mapaisip.
Ang Four Guardians Killing Formation ay isang bagay na sumasalungat sa batas ng proseso dahil sa kakayahan nitong paangatin ang antas at ranggo ng isang adventurer nang mabilisan. Dapat malaman na sa karaniwang paraan, kailangang dumaan sa proseso upang magpataas ng antas at ranggo, pero ito, tinatapik ng formation na ito ang potensyal ng isang adventurer.
Ang tanging limitasyon lang nito para sa karamihan ay hindi nito kayang paangatin ang ranggo ng isang adventurer sa Saint Rank dahil mayroong kondisyon na kinakailangan. Ganoon man, para sa mga orihinal na nasa Saint Rank at Demigod Rank, inaalis ng formation na ito ang restriksyon ng mundo at ibinabalik sila nito sa orihinal nilang antas at ranggo.
Ganito kamangha-mangha ang Four Guardians Killing Formation; at ito ang isa sa mga nilikhang bagay na sumasalungat sa batas ng mundo ng mga adventurer.
Sa kabilang banda, kahit na nararamdaman ni Kaimbe ang mabilis na pagtaas ng antas at ranggo ni Finn, nanatili siyang walang kibo na tila ba hindi siya nakararamdam ng kahit katiting na pangamba. Taimtim ang kaniyang ekspresyon habang pasensyado siyang naghihintay na matapos ito sa pagpapataas ng antas at ranggo.
Ilang sandali pa, kumalat ang malakas na puwersa dahilan para humampas ang malakas na hangin sa mga naroroon. Pinrotektahan nila ang kanilang sarili habang ang kanilang tingin ay nananatiling nakatuon kay Finn na ngayon ay napalilibutan ng makapal na usok.
Kahit na hindi nagkaroon ng pagbabago sa anyo ni Finn, ramdam na ramdam nila ang malaking pagbabago sa aura nito. Alam nila na sa mga sandaling ito, mas malakas na ito kaysa kanina. Ganoon man, lahat ay duda pa rin kung magagawa ni Finn na makasabay kay Kaimbe.
Umabot ang antas at ranggo ni Finn sa Abyssal Immortal Rank, pero ang antas at ranggo ni Kaimbe ay nasa Chaos Saint Rank. Napakalaki pa rin ng agwat ng kanilang antas at kahit hindi pa gamitin ni Kaimbe ang kakayahan niya bilang Saint Rank, tila napakaimposible pa rin na mapantayan ni Finn kung ano man ang lakas at kapangyarihan nito.
Ngayong tapos na ang pagpapagana sa Four Guardians Killing Formation at nararamdaman na ni Finn ang bagong lakas niya, sandali niya munang sinulit ang pakiramdam na ito. Alam niya sa sarili niya na hindi sapat ang kasalukuyan niyang lakas at kapangyarihan, subalit kontento na siya rito dahil kahit papaano, makakasabay na siya sa mga atake at pagkilos ni Kaimbe.
Taimtim na mga mata niyang tinitigan si Kaimbe. At sa kasalukuyan, isa lang ang tumatakbo sa kaniyang isipan--ang umatake kaagad bago pa mawala ang epekto ng Four Guardians Killing Formation.
‘Hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa estadong ito kaya naman... susulitin ko na bago pa mawala ang epekto ng Four Guardians Killing Formation,’ sa isip ni Finn.
Inilabas niya ang kaniyang malaking espada--ang unique armament na personal niyang pinanday. Nagkaroon ito ng asul na talim dahil sa natural na epekto ng ikalawang antas ng kaniyang foundation art. Hinawakan niya ito ng mahigpit at iwinasiwas sa hangin. Animo'y nahiwa ang hangin dahil sa ginawa niya at kumalat ang matalim na puwersa sa paligid.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]
FantasyArmado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwers...