Chapter XXXI

4.9K 918 43
                                    

Chapter XXXI: Meeting of the Higher-ups (Part 3)

“Ang rason kung bakit ako nagpatawag ng agarang pagpupulong ay dahil sa isa sa mga pangunahing paksa na nais kong buksan sa inyong lahat na naririto. Sobrang importante ng bagay na ito at kailangan natin itong magawan kaagad ng paraan dahil maaaring nakasalalay rito ang buhay nating lahat,” seryosong sambit ni Finn habang binibigyan niya ng tingin ang mga kasama niya sa silid-pagpupulong. Huminga siya ng malalim at malumanay na sinabing, “Ang lugar na ating kinaroroonan ngayon ay ating teritoryo, subalit hindi ibig sabihin noon ay ito na ang pinakaligtas na lugar para sa atin. Bagkus...”

“...maaaring ang lugar na ito pa, na ating itinuturing na teritoryo ang pinakamapanganib na lugar para sa atin sa mundong ito--ito ang rason kaya kailangan ko kayong makausap kaagad tungkol dito,” dagdag niya habang seryosong-seryoso ang kaniyang ekspresyon.

Hindi pa siya natapos sa mga katagang ito dahil agad niyang inihayag ang nais niyang gawin nila tungkol dito.

“Oras na marahil para galugarin at imbestigahan ang mas malalim pang hiwaga ng islang ito,” aniya.

Namayani ang katahimikan at bumigat din ang tensyon sa paligid. Naging seryoso ang bawat isa at halata sa kanilang mga mukha ang malalim na pag-iisip dahil sa mga salitang binitawan ni Finn.

Makaraan lang ang ilang sandali, naglakas-loob si Yopoper na magpahayag ng kaniyang saloobin patungkol sa bagay na ito.

“Panginoong Finn, sa kasalukuyang lakas ng ating hukbo, malaki ang posibilidad na mabunyag natin kung ano mang hiwaga ang tinatago ng islang ito. At bilang kapitan ng dibisyon na ang responsibilidad ay ang kapayapaan sa New Order, buo ang suportang ibibigay ko sa iyo sa iyong planong paggalugad at pag-iimbestiga sa mga lugar na hindi pa natin nagagalugad dahil sa mga formation na nakatatag doon,” seryosong lahad ni Yopoper.

Tumingin sa isa't isa sina Yagar, Belian, at Piere. Nagtanguhan sila at pagkatapos, kaagad na nagpahayag si Yagar ng pagsuporta sa kanilang kapitan.

“Buo ang suporta ng ikalawang dibisyon sa iyo, Panginoong Finn. Gagawin ng ikalawang dibisyon ang lahat maisakatuparan mo lang ang iyong plano,” pahayag ni Yagar.

Tumango si Finn sa kapitan at mga bise kapitan ng ikalawang dibisyon. Alam niyang magiging madali lang ang pagkuha sa suporta ng mga matataas na miyembro. Malaki ang tiwalang ibinibigay ng mga ito sa kaniya, at dahil iyon sa kaniyang maayos na pamamalakad sa kanilang puwersa.

“Ang unang dibisyon ay hindi rin magdadalawang-isip na tumulong, Pinunong Finn. Sa isang salita mo lamang ay handa kaming ibuwis ang aming buhay para sa ikabubuti ng lahat,” seryosong sabi Estragor habang ipinapakita nina Fravir, Avire, at Alvalin ang kanilang hindi mapag-aalinlanganang suporta sa sinabi ng kanilang kapitan.

Napakalaki ng utang na loob ng mga higante kay Finn, at ang paraan nila ng pagtanaw ay tulungan ito na sa mga layunin nito kahit pa malagay sa alanganin ang kanilang buhay.

Sa huli, ang layunin ng kanilang pinuno ay kapayapaan at pagkabalanse ng mundo. At dahil napakabuti ng hangaring ito, siyempre tutulong sila dahil nang walang pag-aalinlangan.

“Ang ikatlong dibisyon ay handa rin anoman ang mangyari, Pinunong Finn,” hayag ni Altair.

“Ganoon din ang ikaapat na dibisyon,” komento ni Yuros.

“Gagawa kami ng mas kapaki-pakinabang ngayon. Hindi na papahuli ang ikawalong dibisyon,” pagsingit ni Lore sa usapan.

Sunod-sunod ang naging pahayag ng mga kapitan at bise kapitan tungkol sa kagustuhan ni Finn na galugarin at imbestigahan ang kanilang teritoryo. Kahit si Eon ay nanabik tungkol dito habang ang mga bise kapitan ng espesyal na dibisyon ay may pag-aalinlangan na mababakas sa kanilang ekspresyon.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon