Chapter LXXIX: Laying Low
Nagpatuloy ang diskusyon sa pagitan nina Finn at Auberon. Pero sa pagkakataong ito, ang kanila nang paksa ay ang kasalukuyang sitwasyon ng New Order. Inalam ni Finn kay Auberon ang mga nangyayaring pag-unlad at problema sa kanilang puwersa. Agad na isinalaysay sa kaniya nito ang lahat ng mga nangyari, at natuwa siya dahil puro positibo ang kaniyang narinig na balita mula rito.
Maliliit na problema lang ang mga nangyari New Order. Ito ay mga hindi pagkakaunawaan na nauuwi sa munting away. Ganoon man, nariyan ang ikalawang dibisyon para pumagitna kaya agad na nasosolusyunan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga miyembro. Nagkakasundo rin agad sila at hindi na lumalaki pa ang kanilang away.
Bukod sa mga simpleng problema na kinaharap ng New Order, nalaman din ni Finn ang magagandang nangyari. Nabalitaan niya na ang ikasiyam, ikasampu, ikalabing-isa, at ikalabing-dalawang dibisyon ay patuloy lang sa paggawa ng mga kayamanan na mapakikinabangan nila sa kanilang pakikipagsapalaran.
Ang dibisyon ng mga inscription master ay patuloy sa paggawa ng mga conveying sound inscription. Kailangang-kailangan nila ng napakarami nito dahil isa ito sa mga kayamanan na kailangan nila para magtagumpay sila rito sa Land of Origins. Bukod pa rito, gumagawa rin sila ng mga numbing inscription. Kahit na may masamang epekto, kapaki-pakinabang ang numbing inscription sa laban.
Maaaring maging sanhi ng kamatayan ang paggamit ng numbing inscription kapag hindi ito ginamit sa tama, subalit kung wala nang pagpipilian, wala silang magagawa kung hindi gamitin ang inscription na ito para magkaroon ng pag-asa sa laban.
Tungkol sa dibisyon ng mga alchemist, blacksmith, at formation master, mayroon din silang responsibilidad na ginagampanan. Ang mga alchemist ay abala sa paggawa ng mga multi-expolsive poisonous pill at ibinabahagi nila ito sa mga miyembro na sumasabak sa pakikipagsapalaran. Ganoon din ang ginagawa ng mga formation master. Gumagawa sila ng mga four guardians killing formation at dahil sa pribilehiyo ng mga kapitan, bise kapitan, at miyembrong may matataad na posisyon sa New Order, sila ang unang nabibigyan.
Ang utos ni Finn sa mga formation master ay dapat bawat isang miyembro ay mabigyan ng isang four guardians killing formation. Ito ay para magkaroon ng alas ang mga miyembro kung sakaling kailangan nila ng pangligtas sa kapahamakan o pangtapos sa laban.
At ang panghuli, ang mga blacksmith. Sila ang naatasan na gumawa ng mga Mirror of Power, pero ang pinaka prayoridad nila ay ang utos sa kanila ni Finn na pagbup ng mga unique armament para sa mga miyembro na may malaking kontribusyon sa New Order. Sapat na sa ngayon ang kanilang mga kagamitan at materyales para bumuo ng mga unique armament. Mabibigyan na nila ang mga miyembro na may malaking kontribusyon sa naganap na paligsahan sa angkan ng mga warwolf.
Ganoon man, ang pinaka pinoproblema nila ay ang pagbuo. Hindi pa lahat ng blacksmith ay may kakayahang bumuo. Iilan pa lang sa kanila ang may kakayahan, at hindi pa ganoon kataas ang kanilang tagumpay kaya minsan, nagkakamali sila at nasasayang ang kanilang mga materyales na ginagamit. Sa kabila nito, hindi sila pinapahinto o binibigyan ng parusa kung sakaling pumapalpak sila. Naiintindihan ni Finn na kailangan pa ng mga ito na mahasa ang kanilang kakahayan sa pagpapanday.
Hindi nila kailangang magtagumpay palagi; bagkus, kailangan nilang matuto sa kanilang pagkakamali dahil hindi lahat ng nagsisimula o nag-aaral ay magaling agad. Kailangan din nilang dumaan sa proseso at kailangan nilang magkaroon ng maraming karanasan para sila ay masanay.
Matapos isalaysay ang mga problema at pag-unlad sa New Order, sunod na ipinaalam ni Auberon ang tungkol sa mga pagkukusang ginawa ng ilang miyembro.
“Kung gano'n, maliban sa ikalawang dibisyon, ang ilang miyembro pala ng iba't ibang dibisyon ay nakikipagsapalaran ngayon sa labas ng ating teritoryo? Naghahanap sila ng oportunidad... mabuti naman at mayroon silang pagkukusa,” ani Finn.
BINABASA MO ANG
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]
FantasyArmado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwers...