Chapter XCIX

5.4K 825 27
                                    

Chapter XCIX: A Storm is Brewing

“Gusto kong sumali sa New Order.”

Ito ang mga katagang lumabas sa bibig ni Aokin habang nakaluhod siya sa harapan ni Auberon. Nakakuyom ang kaniyang mga kamao at habang nakatingin siya sa sahig, mababakas ang determinasyon sa kaniyang mukha.

Sa tulong ni Finn, nagkausap na sina Auberon at Aokin. Nakahingi na ng tawad si Aokin kay Auberon sa ginawa niyang kasalanan. Nagkaroon na ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng mag-ama. Hindi naging madali ang magkapatawaran dahil hindi lang simpleng problema ang nangyari sa pagitan nila. Kakailanganin pa rin ng mahabang panahon para muling mabuo ang tiwala at kahit na medyo maayos na sila ngayon, hindi pa rin ibig sabihin nito ay maibabalik na nila ang samahan nilang dalawa bago pa sila magkaroon ng alitan.

Sa ngayon, lakas-loob na inihayag ni Aokin kung ano ang kaniyang plano para sa hinaharap. At dahil sa pag-iiba niya ng paksa, blangkong ekspresyon siyang pinagmasdan ni Auberon. Hindi mababakasan ng emosyon sa mga mata nito. Nanatili itong tahimik ng ilang segundo, at makaraan ang ilang saglit, taimtim itong nagwika.

“Inihayag mo pa lang ang iyong pagsisisi, subalit hindi mo pa napapatunayan na nagsisisi ka sa iyong mga ginawa,” wika ni Auberon. “Matindi ang pagpapahalaga ng batang panginoon sa karakter ng mga miyembro ng New Order dahil pilit naming iniiwasan na magpapasok ng traydor sa aming hanay. At sa iyong nakaraan... sa tingin mo ba ay tatanggapin ka namin?”

Medyo nagkaayos na sila, pero dahil damay na sa usapan na ito ang New Order, nag-iba ang timpla ni Auberon. Mula sa pagiging ama ni Aokin, nagpalit siya ng personalidad tungo sa pagiging heneral ng New Order.

Dahan-dahang tumingala si Aokin para tingnan sa mga mata si Auberon. Hindi siya pinanghinaan ng loob kahit na biglang nagkaroon ng malaking pagbabago sa kaniyang ama. Kinukuwestyon nito ang kaniyang karakter, subalit binalewala niya iyon dahil malinaw sa kaniya kung ano ang gusto niya. Nanatili siyang determinado dahil disidido na siyang maging bahagi ng puwersa na pinamumunuan ni Finn.

“Wala akong maipapakitang katunayan para pagkatiwalaan n'yo ako. Alam kong hindi maganda ang aking nakaraan dahil tinalikuran ko ang puwersang nagturo sa akin kung paano maging isang marangal na mandirigma, subalit gusto kong baguhin iyon at gusto kong ipakita na kaya kong baguhin iyon,” seryosong tugon ni Aokin. Huminga siya ng malalim. Mas lalo niya pang nilakasan ang kaniyang loob at walang pag-aalinlangan siyang nagpatuloy sa pagsasalita, “Si Finn ang nag-alok sa akin na maging bahagi ng New Order. Hinayaan niya akong mamili at ang pinipili ko ay maging bahagi ng puwersa na kaniyang pinamumunuan.”

“Ito ang nakikita kong tamang gawin para maitama ko ang mga pagkakamali ko. Binigyan niya ako ng pagkakataon na magbago at mabuhay na wala ang galit sa aking puso. Naniwala siya sa akin kaya naman... habang-buhay kong tatanawin ang utang na loob na iyon sa kaniya at gagawin ko ang lahat para makabawi--kahit pa buhay ko ang maging kapalit.”

Noong kahit si Auberon ay sinukuan siya dahil sa desisyong pinili niya, mayroong isang naniwala at nagmalasakit sa kaniya. Gusto siyang paslangin ni Auberon, ng kaniyang ama dahil kumampi siya sa kalaban, na ngayon ay naiintindihan niya na kung bakit. Masakit din para dito na sa halip na sila ang magtulungan, mas pinili niya pang tulungan ang kasumpa-sumpang nilalang na pangunahing dahilan kung bakit namatay ang kaniyang ina't dalawang kapatid.

Sa kabilang banda, hindi nakitaan ni Aokin ng pagbabago ang ekspresyon ni Auberon. Blangko pa rin ang ekspresyon nito na para bang walang epekto ang mga sinambit niya.

“Ang iyong mga piniling salita ay pantas. Matalino rin ang iyong desisyon na i-alay ang iyong buhay sa hangarin ng aming puwersa, gayunman, mga salita pa lang iyan. Hindi ako hangal para mahulog sa mga hamak na salita lamang kaya kung gusto mong makuha ang tiwala namin, paghirapan mo iyon,” tugon ni Auberon.

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon