Chapter LIII

4.5K 931 77
                                    

Chapter LIII: The Ankurs

THUD! THUD!

Marahas na ibinagsak ng lalaki ang katawan nina Seve at Lance sa sahig. Buhay pa ang dalawa. Wala silang tinamong kahit anong pinsala, subalit wala silang malay at kung susuriing mabuti ang kanilang katawan, ang kanilang mga soul force pathway ay selyado kaya ang kanilang enerhiya ay hindi nakakadaloy sa kanilang katawan.

Dahil dito, sina Seve at Lance sa kasalukuyan ay parehong nasa ay nasa pinakamahina nilang estado.

Pinagkrus ng lalaking may matipunong pangangatawan ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib. Katabi niya ang babaeng kasama niyang humuli kina Seve at Lance, at bukod sa kanilang dalawa, mayroon pang isang lalake ang naroroon. Nakaupo ito sa isang mataas na upuan at kasalukuyan itong nakatitig kina Seve at Lance na nakahandusay sa sahig.

Ang tatlo ay halos walang pinagkaiba sa mga tao. Parehong-pareho ng kanilang hitsura ang hitsura ng mga tao, ganoon man, ang kanilang mga tenga ay maihahalintulad sa tenga ng mga elf. Bukod pa roon, mayroong kapansin-pansin na simbolong krus sa kanilang noo na para bang natural na ito sa kanila.

Nagtataglay sila ng asul na berdeng buhok at ang kanilang mga mata ay kulay pilak. Pare-pareho ang disenyo ng kanilang mga suot na baluti at ang kulay ng kanilang balat ay maputla.

Ibinuka ng lalaking may malaking pangangatawan ang kaniyang bibig at umalingawngaw sa silid ang malalim niyang tinig.

“Nahuli namin ang dalawang iyan sa sakop ng ating teritoryo, Pinuno,” mariing hayag ni Khais. “Matagal-tagal na rin silang nagmamasid at sa tingin ko, mayroon silang inaabangan. Gusto mo bang tapusin ko na sila?” Tanong niya sa lalaking nakaupo sa isang mataas na upuan.

Tumayo ang lalaki. Mabagal siyang humakbang papalapit sa katawan nina Seve at Lance. Sandali niyang pinagmasdan ang dalawa at malumanay na sinabing, “Mga tao...”

“Matagal na rin mula nang may ibang nilalang na napadpad sa ating teritoryo. Isang malaking surpresa na mayroong naghahanap sa atin, nahihiwagaan tuloy ako kung ano ang sadya nila sa atin. Noong huling may napadpad sa ating teritoryo... isa ring taong tagalabas,” aniya pa.

“Marahil ipinadala sila ng kung sinoman. Sigurado akong alam nila na may naninirahan sa lugar na ito dahil kung hindi, hindi sana sila nagmamasid sa isang malawak na kagubatan na hindi mababakasan ng buhay. Nakapagtataka kung paano nila tayo nahanap ganoong tagong-tago ang ating teritoryo,” taimtim na sambit ni Dionne. “Sino ang mangangahas na magpadala rito ng mga espiya? Matagal na nating pinutol ang ating ugnayan sa makamundong bagay at wala akong nakikitang dahilan para hanapin nila kung saan tayo nagtatago.”

Suminghal si Khais at malalim siyang tumugon, “Tayo ay lahi na may kaugnayan sa isang diyos. Hawak natin ang mga sikreto noong unang panahon at ang mga pag-aari nating mga kayamanan ay mga hindi pangkaraniwan. Siguradong alin man doon ang kanilang sadya sa atin.”

“Upang hindi na tayo magkaproblema, hayaan mong tapusin ko ang buhay ng dalawang ito, Pinuno,” muling sabi ni Khais.

Itinuon ni Voraan ang kaniyang tingin kay Khais. Bumuntong-hininga siya at marahang umiling. “Bakit hayok na hayok kang kumitil ng buhay, Khais? Tayo ay lahi na pinamanahan ng Life God at nararapat lang na may pagpapahalaga tayo sa buhay ng bawat nilalang. Hindi tayo dapat na pumapatay nang walang makabuluhang dahilan. Hindi pa natin alam ang kanilang sadya kaya hindi natin sila dapat na paslangin agad.”

Kumunot ang noo ni Khais. Itinuon niya ang kaniyang tingin sa dalawang nakahandusay sa sahig at mariin siyang nagwika, “Hindi pa ba makabuluhang dahilan ang kanilang panghihimasok sa ating teritoryo? Paano na lang kung mga kalaban ang nagpadala sa kanila, Pinuno?”

Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon