# 4 Goodnight

7.7K 144 15
                                    

DEAR DIARY,

Pang apat na entry ko na pala ito pero hindi pa ako nagpapakilala. Dapat ko pa bang ipakilala ang sarili ko sayo eh diary ka lang naman. Hindi ka naman magrereklamo sa lahat ng ilalagay ko sayo. Pero sige bilang respeto ko sayo dahil pinapakinggan mo ang hinanaing ko sa buhay, ipapakilala ko ang sarili ko.

Ako si Gwen. Gwyneth Salazar. 27 years old and very much single and available. Nagtatrabaho ako sa isang malaking kumpanya. Hindi ko na sasabihin kung saan kasi confidential yun. Ano pa ba? Hmmm... isa na yata ako sa mga taong hindi naniniwala sa forever. Bakit? Saka ko na ikukwento sa paglipas ng panahon. Bitter ako sa maraming bagay. Pero hindi kasama dun ang mga kaibigan. I have a wonderful set of friends, pero di ko na sila iisa isahin pa. Masyado silang marami, tinatamad ako magsulat. Siguro sa mga susunod na araw ikukwento ko din sila sayo. Medyo inaantok na din ako. Bukas nalang ulit. Goodnight!

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon