Special Chapter 1 - Gwen

1K 28 16
                                        

<Gwyneth Salazar>

"Paano nga ba napunta sayo yung diary ko?" Tanong ko kay Axel habang nakahiga kami sa kama.

Kauuwi lang namin buhat sa ospital at sa bahay ko muna kami dumiretso habang pinapaayos pa namin yung bahay na binili ni Axel.

"TOP gave it to me. Ipinadala niya sa akin"

"Siraulo talaga yung Pandang iyon."

"Okay lang iyon. Kung hindi niya ibinigay sa akin ang diary mo eh di sana hindi kita hahanapin ulit. Eh di sana wala ka sa mga bisig ko ngayon" sagot ni Axel at naglalambing na isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

Kahit na may nararamdaman akong kiliti ay pilit kong inilalayo ang mukha niya sa akin.

"Ibig mong sabihin wala ka na talagang balak na hanapin ako kung di lang dahil sa diary ko?" Nakakunot ano noong tanong ko.

"Mahirap kayang hanapin ang ayaw magpakita"

"Ewan ko sayo. Umalis ka nga dyan. Dun ka sa sala matulog"

"Honey naman. First night natin ngayon tapos outside the kulambo ako agad?" Agad na reklamo ni Axel at niyakap ako ng mahigpit.

"First night ka dyan. Hindi natin ito first night noh!"

"First night natin dito sa bahay mula nung lumabas ka ng ospital." Sagot ni Axel at bigla na lang akong kinubabawan.

"Anong ginagawa mo?"

"May go signal naman tayo ni Doc diba? Basta dahan dahan lang?" Nakakaloko ang ngiting ibinigay niya sakin.

Itinulak ko naman siya palayo.

"Siraulo ka. Kung bumuka ang tahi ko. Hindi pwede. Mga after one month pa"

"One month pa? Ang tagal naman nun. Ang tagal ko na ngang nagtitiis eh." Reklamo ni Axel at muling nahiga sa tabi ko.

"Ayun naman pala eh. Nakatiis ka ng matagal. Kaya mas magtiis ka pa ulit" pang-aasar ko.

"Honey naman eh"

Nakaisip naman ako ng idea kung paano mas lalong asarin ang asawa ko. Hinawakan ko siya sa dibdib pababa ng tiyan at marahan hinalikhalikan ang kanyang leeg.

"What are you doing hon?" Mukhang umeepekto kay Axel ang ginagawa ko.

"Pinapaligaya ka." Sagot ko as I planted butterfly kisses on his lips habang ang kamay ko naman ay pumasok sa loob ng t-shirt niya.

"Gwen...don't" pigil sa akin ni Axel.

"Why? Diba sabi mo matagal ka ng nagtitiis? Eh di kahit dito man lang mapaligaya kita" patuloy pa rin ako sa ginagawa ko. Dibdib naman niya ngayon ang hinahalikan ko as my hand feels the hardness inside his pants.

Hinawakan naman ako ni Axel at inilayo sa kanya.

"Stop it hon. Baka mabinat ka at bumuka pa ang tahi mo. Kapag bumaba ka pa diyan sa ginagawa mo I can't promise you na matitigilan natin ito so you better stop now." Halatang nagpipigil lang si Axel.

"Paano ka? Paano iyan?" Refering to the bulge inside his pants.

"Ligo lang katapat niyan. Nakakainis ka kasi" yamot na sabi ni Axel at dirediretso sa banyo. Rinig ko pa ang lagaslas ng tubig. Mukhang basta na lang nito binuksan ang shower.

Natatawa na lang ako na dinampot ang diary ko mula sa ibabaw ng table.

Dear diary,

Sabi nila lahat ng kwento may happy ending. Siguro kung ang kwento mo ngayon ay hindi pa happy, maybe it's not yet the ending. Maghintay ka lang. Baka busy lang si God sa paggawa ng story mo. Maybe sa bilyong bilyong tao sa Earth, hinahanap pa Niya ang para sayo.

Akala ko noon doon na magtatapos ang kwento ko. Pero hindi pa pala. Binigyan pa ako ni Lord ng isa pang chance para maging masaya. And ang chance na ito ay itetreasure namin habang buhay.

Tandaan, ang pag-ibig parang bagyo lang iyan. Mahirap i-predict kahit na may PAG-ASA.

Hindi mo malalaman ang pwedeng mangyari sayo. Maybe ngayon malungkot ka pero bukas masaya ka na.

Maybe wala talagang forever. Lahat ng bagay ay may katapusan. Lahat ay may hangganan. Lahat ay nagbabago.

Naniniwala akong walang forever sa mundo. Pero, naniniwala din ako na lahat ng kwento pagkatapos ng "Once upon a time" ay may katumbas na "And they lived happily ever after".

Love,

Gwen

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon