Gwen,
I'm sorry. Hindi ko alam kung anong nangyari. Alam kong nasaktan kita sa naging desisyon ko. Alam kong mali. Sorry Gwen mahina ako. Alam kong sa loob ng pitong taon na naging tayo ay minahal mo talaga ako. Hinding hindi ko iyon makakalimutan. Oo Gwen gago ako! Isa akong malaking gago dahil sinaktan kita.
Nakipaghiwalay ako sayo ng walang matibay na dahilan. Pero Gwen sumpa man, wala akong ibang minahal na babae maliban sayo. Hindi kita niloko. Alam ko na sinabi ko sayo na may iba na akong mahal para magalit ka sa akin at makalimutan ako pero hindi iyon totoo. Ikaw lang Gwen ang totoong minahal ko.
Nakipaghiwalay ako sayo para hanapin ang sarili ko. Mababaw na dahilan pero kailangan ko ito. Kailangan ko munang mapag-isa. Kailangan kong lumayo sayo or else masasaktan lang lalo kita.
Gwen sana isang araw maintindihan mo kung bakit ko ginawa ito. Sana maunawaan mo ako.
-A.S.
***
MOMMY : Ano bang balak mo sa buhay mo Axel? You graduated Cumlaude in your class and yet you're wasting your time and talent. Bakit hindi ka gumaya sa kuya Yexel mo? Mag-aral ka abroad!
AKO : Mommy ayoko po. Ayokong umalis ng Pilipinas. Okay naman na po ako dito.
MOMMY : Ano bang okay ang sinasabi mo? Time will come na kayo ng kuya Yexel mo ang mamamahala sa kumpanya natin kaya dapat ngayon palang ay pinag-aaralan mo na ang pagpapatakbo ng kumpanya.
AKO : Kaya na ni Kuya Yexel ang magpatakbo ng kumpanya Mommy. Kaya nga po hindi ako kumuha ng Business Administration dahil ayokong magpatakbo ng kumpanya.
MOMMY : That's bullshit Axel! Dalawa lang kayong anak ko ni Yexel kaya dapat lang na kayo ang mamahala sa kumpanyang pinaghirapan namin ng daddy mo!
AKO : Ayokong mag-aral sa ibang bansa Mommy. Tutulong ako sa kumpanya pero hindi ako magtatrabaho dun. I have my own life too Mom. May mga pangarap din ako sa buhay.
MOMMY : Anong pangarap ang sinasabi mo?! Bata pa lang kayo ay nakaplano na ang buhay niyo ng kuya mo whether you like it or not!
Alam kong hindi tama subalit hindi ko magawang kontrahin si Mommy sa mga sinasabi niya. I love my Mom. Siya ang nagpalaki sa akin mula ng maghiwalay sila ni Daddy kaya mataas ang respeto ko sa kanya.
MOMMY : That's final Axel. Sundin mo ang gusto kong mangyari kung ayaw mong sirain ko ang buhay ng babaeng dinedate mo.
AKO : Girlfriend ko si Gwen Mom at mahal na mahal ko siya.
MOMMY : Pinayagan kita sa kalokohan mo na maging girlfriend ang babaeng iyan noong nag-aaral ka pa. But I will not allow it kung ganyang sinusuway mo na ako.
Kilala ko ang Mommy ko. Kapag sinabi niya ay gagawin niya. Kapag sinabi niyang sisirain niya ang buhay ni Gwen ay walang makakapigil sa kanya. I know that Gwen is in trouble kapag hindi ko sinunod ang gusto ni Mommy.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahal ko si Gwen pero hindi ko kayang talikuran ang Mommy ko.
MOMMY : As soon as possible ay ipapadala na kita sa America. Nakausap ko na din ang Kuya mo. Siya na ang bahala sayo dun.
Puro na lang si Kuya ang magaling. Si Kuya ang mabuting anak. Si Kuya ang the best!
AKO : Papayag ako sa kagustuhan mo Mom na mag-aral sa ibang bansa sa isang kundisyon.
MOMMY : What?
AKO : It's about Gwen Mom. I know na hindi siya ang babaeng gusto mo para sa akin but I love her so much and I don't want her life to be ruined just because of me. Matalino si Gwen Mom. I know that she can be a great asset to the Company. Nabalitaan ko na nagpasa siya ng resume sa isa sa kumpanya ni Daddy. I want you to hire her but don't tell her that I have something to do with it. Hindi alam ni Gwen na anak ako ng may-ari ng kumpanyang inaplayan niya. Please Mom.
Napabuntong hininga ang Mommy ko.
MOMMY : Okay. I'll see what I can do. And you young man should do what I told you to do.
AKO : Yes Mom.
I'm so sorry Gwen. Alam kong masasaktan kita but I don't want your life to be miserable just because of me. You're great Gwen. You have something in you that no one can take away. I love you Gwen. Gusto ko kahit na mawala ako sa buhay mo ay magiging okay ka.
But promise Gwen.
Babalikan kita.
***
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
