# 39 Nakakainis!

1.5K 39 14
                                        

DEAR DIARY,

Unang una sa lahat uunahan na kita. Hindi ako si Gwen. Hindi ako ang may-ari mo. Pasensya ka na dahil naiinis lang ako sa may-ari mo kaya ikaw itong napagdiskitahan ko.

Naiinis ako kay Gwen. Naiinis ako sa kanya kasi ang tigas ng ulo niya. Alam mo yun? Kasi alam naman niya sa sarili niya kung sino talaga ang mahal niya pero ayaw niya lang tanggapin. Pilit niyang itinatanggi sa sarili niya kaya ayan tuloy nagkakagulo sila ngayon. Bakit ko alam? Ako pa ba eh kilalang kilala ko na iyang si Gwyneth Salazar.

Naiinis ako kay Yexel. Naiinis ako sa kanya kasi sinasabi niya na mahal niya si Gwen pero hindi naman niya kayang panindigan. Kung talagang mahal niya si Gwen ay ipaglaban niya ang nararamdaman niya! Pero sa totoo lang hindi ako naniniwala!

Naiinis ako kay Axel. Naiinis ako sa kanya kasi isa din siyang magulo ang utak. Sobrang obvious naman na mahal niya pa din si Gwen pero imbes na patunayan niya kay Gwen ang nararamdaman niya ay puro pambababae ang inatupag niya. Ayaw kasing ipakita ang tunay na feelings niya. Tapos ngayon na nagsisimula nang magkaroon ng bagong relasyon si Gwen bigla siyang papasok sa eksena. Eh kung noon pa inayos na niya ang sarili niya eh di sana walang problema ngayon.

Naiinis ako sa kanilang lahat dahil sinira nila ang dapat sana ay masayang birthday celebration ko. Sa dami ng araw na magkakagulo sila ay ngayon pa talaga nila itinaon.

Pero alam mo kung kanino ako pinakanaiinis?

Naiinis ako kay Dylan Jake Zalderiaga! Nakakainis siya kasi hindi ko alam kung sadyang torpe ba siya o hindi marunong magsalita. Kasi alam mo yun?! Ilang buwan na din naman ang nakalipas mula nung nalaman ko na siya si DJ sa nakaraan ko. Mula noon ay naging okay naman kami. Lumalabas kami, gumagala, kumakain sa labas at nagdedate. Sobrang okay! Alam mo kung ano ang hindi okay? Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi kung ano ba talaga ang score sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung nanliligaw ba siya sakin o kung kami na ba. Paano ko malalaman na nanliligaw siya kung wala naman siyang sinasabi? Paano magiging kami kung hindi naman niya ako nililigawan? Ano kami? MU? Magulong Ugnayan?! Sige sabihin na nating "Action speaks louder than voice" pero Juice Colored naman! May mga bagay din naman na gusto naming marinig ng diretsahan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sakin. Ano kami maghuhulaan nalang forever?! Mabuti pa nga kay Maica nagawa niyang sabihin ng diretso na liligawan niya si Maica at gusto niya si Maica pero bakit sakin hindi niya masabi?! Alam mo ba yung kulang na lang ay ako na ang manligaw sa kanya. Nakakainis! Magpasalamat siya at talagang mahal ko siya kung hindi ay matagal ko na siyang ipinadala sa ibang planeta.

Pero ang mas nakakainis sa lahat ay hindi ko magawang masabi sa kanila ang lahat ng ito. Hindi ko magawang sabihin ang tunay kong nararamdaman kaya sa iyo ko nalang inilalabas. Alam mo kung bakit? Nakakatamad magsalita. Ang dami ko kasing gustong sabihin kaya lang mapapagod ako kapag nagsalita ako ng ganito kahaba.

Hay! Siguro nga may kasalanan din ako dahil isa din ako sa taong nagtatago ng nararamdaman. Pero hayaan mo na. Birthday ko naman ngayon.

Oh siya! Ang haba na masyado nito. Pasensya ka na talaga at ikaw ang napagbuhusan ko ng nararamdaman ko. Hayaan mo next time hihiramin na kita ng maayos kay Gwen at babalitaan kita ng maganda.

Sana may magandang mangyari pagkatapos ng gulong ito.

Bye!

Harabella Gomez signing off.

***

A/N:

Nakikiepal lang si Harabella sa journal ni Gwen :) Pagbigyan niyo na birthday naman niya :)

Ano kayang magiging reaksyon ni Gwen kapag nakita niya na sinulatan ni Hara ang journal niya?

-shinayawaara


Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon