Hi Babes!
Naks! Bumebabes na oh!
Heto na siguro ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko. Hindi ko ineexpect na mahal mo din pala ako. Akala ko ako lang ang nagmamahal.
Promise ko sayo aalagaan kita, mamahalin at poprotektahan. Ganyan kita kamahal Gwen.
Ikaw lang sapat na!
-A.S.
***
AKO : Hatid kita sa inyo para makilala ko na din ang pinsan at tita mo.
First day namin ni Gwen na mag-on. Syempre kailangan kong magpagoodvibes sa family members niya. Ulilang lubos na kasi si Gwen kaya ang pamilya ng tita niya ang kumupkop sa kanya.
GWEN : Sure ka bang gusto mong makilala ang tita at pinsan ko? Sisindakin ka nung pinsan kong si Harley.
Niyakap ko si Gwen bilang sagot.
AKO : Mahal kita Babes kaya handa akong harapin silang lahat.
Pumayag na din si Gwen na ihatid ko siya. Nakilala ko ang pamilya niya. Mabait naman sila at pinakitunguhan nila ako ng maayos. Ang saya lang talaga.
***
Kahit papaano ay nakasundo ko na din naman ang mga kaibigan ni Gwen na sina Hara at Maica. Maging ang iba pa niyang barkada ay nakilala ko na din. Masasaya naman silang kasama at kausap. Nakasanayan ko nalang din ang kasungitan ni Hara. Paunti unti ay naging close din kami.
Masaya ako sa piling ni Gwen. Mabait at maasikaso siyang girlfriend. She's been my inspiration para mag-aral ng mabuti. Siya ang buhay ko. Siya ang lahat lahat para sakin.
Mahal na mahal ko si Gwen at alam kong mahal din niya ako.
***

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Literatura KobiecaAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.