#34 The date

2.6K 61 38
                                    

DEAR DIARY,

This is it pansit!

Today is our long awaited date. Masasabi kong masaya naman ang kinalabasan ng date namin ngayong araw. Although ang daming unexpected na nangyari.

Ganito kasi ang nangyari.

Kahapon napagusapan namin ni Yexel na umaga niya ako susunduin. Para daw mas madami ang time na magkasama kami. Wala akong idea sa plano niya. Basta sabi niya siya daw bahala sa lahat.

7am sinundo niya na ako sa bahay. I'm not really a morning person lalo na kapag weekend. Pero dahil sa date namin ay halos alas singko palang ng madaling araw ay gising na ako. Eggzoited ang lola mo eh.

Fresh na fresh pa sa morning ang fezlak ni Sir Papalicious. Kinabog pa yata niya ako na ang laki na ng eye bag dahil sa puyat ko. Polo shirt, maong short and rubber shoes ang suot ni Yexel. Natawa pa nga kami pareho dahil halos pareho kami ng porma. Polo shirt, maong shorts at rubber shoes din ang suot ko. Ang sabi kasi ni Yexel wear something I'm comfortable with daw. Eh di ayun ang porma ko. Dun ako kumportable eh. Hindi ko man alam kung saan kami pupunta but I guess hindi pormal ang pupuntahan namin base sa mga suot naming damit.

Tinanong ko siya kung saan kami pupunta ayaw pa ngang sabihin ng loko pero napilit ko din siya. And voila!

Sa Enchanted Kingdom niya ako dinala!

AKO : Really? EK talaga?

YEXEL : Well I guess hindi ka mahilig sa mga formal dates and since wala akong masyadong experience sa pakikipagdate nagresearch ako kung saan kita pwedeng dalhin na alam kong mageenjoy ka. Well, with a little help of your friends of course na nagsabing mahilig ka sa mga amusement park, naisip ko na dalhin ka nalang dito sa EK. I hope it's okay with you.

AKO : Okay lang. Mas gusto ko nga ang mga amusement park lalo na ang mga rides dito sa EK. Feeling ko yung andrenalin ko tumataas kasi.

Infairness dagdag pogi points ang ginawa ni Yexel na pagreresearch sa mga bagay na gusto kong gawin at alam niyang magpapasaya sakin.

YEXEL : That's nice to hear. Gusto kong magenjoy ka. Pambawi man lang sa nangyari nung charity ball.

AKO : Huwag mo ng isipin yun. Okay na yun. Ang mahalaga ay nandito tayo para magenjoy. Ikaw ba mahilig ka sa mga rides?

YEXEL : Hindi masyado. College pa yata ako nung huli akong napunta sa EK with my parents and Axel. That was the last time na nagkasama siguro kami as family. Akala siguro ng parents namin ay bata pa kami ni Axel na mahilig sa mga amusement park. Then after nun wala na.

AKO : Medyo hindi pala maganda ang experience mo sa EK. Hayaan mo, papalitan natin ng magandang memories ang bad memories mo. Ako pa ba ang kasama mo eh!

Then syempre nginitian ko siya ng bongga!

Ginantihan naman niya ako ng ngiti. Ngiting makalaglag panty kumbaga.

YEXEL : Thanks Gwen. That's one thing what I like about you. Ang positive ng dating mo.

AKO : Ako? Positive? Hindi noh! Ako nga pinakanega sa aming magkakaibigan eh. Sabihin nalang natin na kapag comfort zone ko ang isang bagay, positive ang dating sakin nun. Kapag hindi naman thats the time na nega ako.

YEXEL : Lahat naman yata ng tao ganun pero I'm thankful and happy na nasa positive side ako ngayon. Sana magtuloy tuloy na.

Ayiieeee! Okay fine! Kinikilig ang lola mo!

Nagstop over muna kami sa Jollibee para magbreakfast since pareho pala kaming eggzoited at hindi pa kumakain.

Nakarating naman kami ng maayos sa EK na naitatago ko ang kilig ko. Si Yexel ang pumila para bumili ng ticket namin. Yung ride all you can ang binili niyang ticket.

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon