DEAR DIARY:
Today, I had the biggest surprise of my life. As in sobrang surprise talaga ako kasi biglang dumating si Axel dito sa Isabela. Akala ko nga bumalik si Alyna dahil may kumakatok sa pinto ng hotel room ko. Pagbukas ko ay si Axel ang bumungad sakin at may dala siyang bulaklak.
AXEL : Surprise!!!
AKO : Babe! Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba hindi ka makakapunta?
AXEL : Well, I want to surprise you kaya hindi ko na sinabi sayo na pupuntahan kita.
AKO : Paano yung Mommy and Daddy mo?
AXEL : Well nagbalak magsecond honeymoon yung dalawa. Nagkabalikan kasi sila after almost twenty years. Kaya ayun bilang regalo namin ni Kuya Yexel binigyan namin sila ng around the world tour.
Sobrang happy talaga ako na dumating si Axel. Akala ko talaga matitiis niya ako.
AXEL : So Babe, ready ka na ba dun sa pinag-usapan natin?
AKO : Baliw ka talaga! Kararating mo lang iyan agad ang naisip mo!
AXEL : Joke lang naman yun Babe. Namiss lang kita. Payakap nga sa Baby ko.
Syempre with open arms ko naman syang pinagbigyan. Namiss ko kaya ang boyfriend ko! Hahalikan na sana ako ni Axel nang may biglang umubo at kumuha ng atensyon namin.
YEXEL : Ahem! Baka pwedeng sa loob niyo na gawin yan?
HARA : Kaya nga. Virgin pa ang mga mata ko.
MAICA : Kadiri talaga itong si Gwen kahit kailan. Kung saan saan nakikipaghalikan. Yuck!
DJ : Kayo naman. Pagbigyan niyo na yung dalawa.
AKO : Waaaahhhhh!!!! Nandito din kayo!
Isa isa ko silang niyakap. Ultimo si Yexel na kinaaasaran ko ay niyakap ko din. Natuwa pa din akong makita siya.
AKO : Anong ginagawa niyo dito?
AXEL : Sinabi ko kasi sa kanila na pupuntahan kita. Ayun sumama sila. Namiss ka na daw kasi nila.
MAICA : Syempre dahilan lang namin na namiss ka na namin. Ang totoo nun ay babantayan lang namin kayo ni Axel. Baka kasi pagbalik niyo ng Manila may laman na iyang tiyan mo.
Sira ulo talaga itong si Maica kahit kailan. Nahampas ko tuloy.
AKO : Oh eh bakit kayo lang? Nasaan yung iba?
HARA : May kanya kanyang lakad eh. Kami lang ang available.
AKO : Sayang hindi niyo naabutan si Alyna. Yung roommate ko. For sure magkakasundo kayo nun. May sapi din kasi utak nun.
YEXEL : Speaking of room, sige pupunta muna kami sa kwarto namin para maayos na muna namin ang gamit namin.
AXEL : Wala naman yung roommate mo Babe diba? Dito nalang muna ako sa room mo.
AKO : Okay lang.
MAICA : Hoy! Kayong dalawa magbehave kayo ah! Bawal gumawa ng bata!
Baliw talaga yun si Maica kahit kailan.
***
Bumaba kami sa resto ng hotel para magdinner. Infairness napansin ko na halos lahat ng guest ay napapatingin sa table namin. Hindi ko naman sila masisisi. Sa ganda ko ba namang ito sinong hindi mapapatingin. Ang lakas ng hangin noh?
AKO : Maica bakit nga pala hindi mo kasama si Killian?
MAICA : Nasa Hongkong. May concert sila dun.
AKO : Bakit hindi ka sumama?
MAICA : Ayoko nga. Wala naman akong makakasama dun dahil busy din sila.
HARA : May LQ silang dalawa.
AKO : Break na kayo?!
Binatukan naman ako bigla ni Maica.
MAICA : Break agad?
AKO : Malay mo lang diba.
Mula sa table namin ay nakita kong papasok ng resto si Panda. Hindi ko naman alam kung tatawagin ko ba siya o babatiin. Pero mukhang hindi naman niya ako nakita.
MAICA : Gwing, may gwapo!
Mukhang hindi lang pala ako ang nakakita kay Panda. Kakaiba talaga itong si Maica. Ang talas ng paningin basta gwapo.
AKO : Panda.
MAICA : Ha?
AKO : Si Panda yun.
MAICA : Panda ang pangalan niya? Masyado naman siyang inapi ng magulang niya at iyon ang ipinangalan sa kanya.
AKO : Iyon lang ang tawag ko sa kanya pero Thomas O'brien Perez ang name niya. TOP for short.
Bigla ba naman akong tinignan ng malalim ni Maica!
AKO : Oh? Bakit ganyan ka makatingin?
MAICA : Paano mo nalaman? Paano mo nakilala yun? Type mo noh? Nagtataksil ka na kay Axel?!
AKO : Baliw! Nagtataksil ka dyan. Aksidente lang ang pagkakakilala namin. Saka hindi ko siya type.
MAICA : Mukha mo Gwyneth! Ako pa ba ang lolokohin mo? Kapag ang isang lalaki ay tinandaan mo ang buong pangalan ibig sabihin type mo yun.
AKO : Ay grabe siya! Hindi naman kaya.
MAICA : Anong buong pangalan ni DJ?
AKO : Hindi ko alam.
MAICA : See! Hindi mo alam kasi hindi mo type si DJ.
AKO : Hindi naman sa ganun. Ikaw ba alam mo?
MAICA : Oo naman. Dylan Jake Zalderiaga.
AKO : So ibig sabihin type mo si DJ dahil alam mo ang buong name niya?
MAICA : Hindi. Matalino kasi ako. Ikaw limited lang ang kayang iabsorb ng utak mo. Magkaiba tayo.
Nahampas ko tuloy! Kung ano anong pinagsasabi.
HARA : Hoy! Ano ba kayong dalawa. Kumakain tayo kanina pa kayo naguusap diyan. Baka gusto niyo kaming isama sa pag-uusap niyo.
AKO : Wala lang yun. Nababaliw na naman kasi itong si Maica. Kung ano anong pinagsasabi.
MAICA : Totoo naman ang mga sinasabi ko.
Hindi ko nalang pinansin si Maica. Pagtingin ko ay wala na dun si Panda. Mukhang hindi siya dito kumain sa cafeteria.
Type ko daw si Panda. Sus! Hindi naman kaya!
***
A/N:
Deny pa Gwen!
Happy first day ng mga puso <3
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.