XII- Siguro nga

897 29 15
                                        

Gwen,

Kinausap ako ni Kuya Yexel. Ipinagpaalam ka na niya sakin. Gusto ka daw ni kuya. Base sa nakikita ko alam kong gusto mo din siya. Siguro nga panahon na para palayain ko ang nararamdaman ko para sayo. Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. Siguro nga muli tayong pinagtagpo upang isarado ang nakaraan natin. Siguro nga panahon na para magmahal ka muli. Hindi na rin masama kung si Kuya ang makakatuluyan mo. Ayoko mang mangyare iyon dahil parang nalamangan na naman niya ako ay wala akong magagawa kung siya ang magpapasaya sayo. Mahal na mahal kita Gwen at handa akong magparaya para sa ikasasaya mo.

-A.S.

***

PAUL : Ganun na lang yun? Susuko ka na?

Kasalukuyan kaming nag-iinuman ngayon sa bahay niya. Naglalabas na din ako ng sama ng loob dahil nga sa nalaman kong gusto ni kuya si Gwen.

AKO : Para kay Gwen 'pre gagawin ko.

PAUL : Kaduwagan lang iyang ginagawa mo. Kung talagang mahal mo si Gwen dapat pinaglalaban mo.

Binato ko siya ng balat ng cornik. Ang yabang magsalita akala mo napakagaling niya.

AKO : Ang yabang nito samantalang ikaw nga dyan hanggang ngayon hindi mo pa nagagawang magtapat kay Maica na gusto mo siya.

Nalaman ko kasi ang dahilan kaya hindi pwedeng maging sina Hara at Paul. Si Maica pala talaga ang mahal ni Paul. Natotorpe lang ang kaibigan ko kaya hindi makapagtapat kay Maica.

Gumanti naman ng bato si Paul.

PAUL : Magkaiba yung sitwasyon natin. Ex mo si Gwen. Samantalang ako kaibigan ko si Maica. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin kapag sinabi ko sa kanya na mahal ko siya. Mas mahalaga ang friendship namin kaysa sa feelings ko.

AKO : Ang sabihin mo duwag ka lang.

PAUL : When you fall inlove with your friend, always remember that your friendship is so strong that not even love can break apart.

AKO : Amen to that!

Mukhang may tama na nga itong si Paul dahil ang lalim na ng pinagsasabi eh.

AKO : Nasaan nga pala si Hara? Tawagin mo para naman damayan niya tayo.

PAUL : May date sila ni DJ.

AKO : Naknamputsa naman talaga yung kaibigan natin oh! Lumalablyp na.

PAUL : Good for her.

Masaya kami ni Paul para kay Hara. Atleast natagpuan na niya ang happy ending niya. As for me and Paul, mukhang matatagalan pa yata.

***

NP:

Lies by Bigbang

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon