XIX - Delivery Room

969 26 38
                                        

Gwen,

Actually medyo kinakabahan ako sa muli nating pagkikita. Hindi ko alam kung excitement ba ang nadarama ko o nerbyos. Hindi ko alam kung tatanggapin mo ba ako ulit. Actually ang dami kong gustong sabihin sayo. Gusto kong magalit dahil itinago mo sa akin na magkakaanak na pala tayo. Gusto kong mainis sayo dahil imbes na sa akin ka lumapit ay dun pa sa TOP na iyon ka humingi ng tulong. Gusto kong -----

Hara : What are you doing?

Ako : I'm writing a letter to Gwen.

Hara : Let me see.

Inilayo ko sa kanya ang notebook na sinusulatan ko.

Ako : Si Gwen ka ba? Bakit ko ipapabasa sayo.

Hara : Tsk! Boring!

Mabuti naman at hindi na ako kinulit pa ulit ni Hara kaya ipinagpatuloy ko na ang pagsusulat.

---magalit sa sarili ko dahil hinayaan kitang umalis. Sana hindi ako agad sumuko. Sana mas ipinaglaban pa kita. Pero gaano man ako magsisi ay hindi na maibabalik pa ang nakalipas. Ang mahalaga ay ang ngayon.

Magsimula tayo ulit Gwen. Ikaw, ako at ang magiging anak natin.

-A.S.

***

Sa wakas ay nakarating din kami sa Sagada. Sa isang open field lumapag ang eroplano. Pagkahatid sa amin ay umalis din ito agad.

Hara : Tinawagan ko na si TOP. Susunduin niya tayo.

Ako : Wala bang NPA dito?

Hara : Ewan ko. Mukha namang safe dito. Private property ito. Takot ka ba sa NPA?

Ako : Medyo lang.

Hara : Pwes, may NPA dito. May MILF at Abu Sayaff.

Ako : Ewan ko sayo. Kapag may rebelde dito, ikaw ang unang kikidnapin. Mas mukha kang mayaman kaysa sakin. Kahit na mas mayaman ako sayo.

Wala pang ilang minuto ay may natanaw na kaming sasakyan. Bumaba nga roon yung lalaking nakita ko na kasama ni Gwen.

TOP : I'm TOP. Nice to finally meet you Axel. So you already received my package.

Nakangiti siya sa akin. Ayaw ko mang aminin ay may kagandahang lalaking tinataglay ang lalaking ito. Inilahad niya ang kamay niya sakin offering a handshake.

Ako : Thank you for informing me.

Tinanggap ko naman ang pakikipagkamay niya. I need to remind myself that I owe this person big time. Kahit na hindi ko siya gusto.

Ako : Sorry sa naging asal ko noon.

TOP : Wala na iyon. Naiintindihan ko naman. Ako man din ang nasa lagay mo baka pareho lang tayo ng ginawa.

Nang makita nito si Hara ay biglang lumapad ang pagkakangiti nito at niyakap si Hara.

TOP : Haradear! Nice to see you again. How are you? Nagbreak na ba kayo ng boyfriend mo?

Hara : Hello TOP. Sorry pero hindi pa kami nagbebreak ng boyfriend ko.

TOP : Awww! Going strong pa din ba? Basta yung offer ko open pa din ah. Kapag nagbreak kayo nandito lang ako.

Hara : Yeah yeah sure. Where's Gwen?

TOP : Nasa bahay. Kabuwanan niya na daw ngayon. Her tummy is so big. Natatakot ako na any moment puputok iyon.

Ako : Pwede mo na ba kaming dalhin kay Gwen.

TOP : Yeah sure. By the way, Gwen doesn't know na darating ka. Ang alam niya ay si Haradear lang ang pupunta.

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon