#18 #KiligPaMore

2.7K 75 37
                                        

DEAR DIARY,

Ayokong pumasok sa office. Magreresign na ako.

#JokeLangYun

Nagleave lang ako ng isang araw. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Epekto yata yun ng dami ng nainom ko nung birthday ko. Idagdag pa na ang dami kong nalaman nun. Takang taka kami nung nalaman namin na magkapatid pala sina Axel at Yexel. Nabatukan pa ako ni Maica kasi bakit daw hindi ko alam.

AKO : Aba! Malay ko ba?! Alangan namang alamin ko pa ang family tree nila!

MAICA : Tangeks! Natural lang naman siguro na malaman mo kung may kapatid si Axel o wala. Pitong taon din kayo naging mag-on!

Hindi naman kasi nabanggit sakin nun ni Axel na may kapatid pala siya. Saka never ko nga nakilala ang daddy niya. Yung mommy niya lang. Ang sabi kasi ni Axel hiwalay na ang parents niya. Ayoko namang intrigahin pa ang buhay nila. Kaya naman pala nakita ko si Axel noon sa opisina namin. Pag-aari pala nila yun. May kinalaman kaya siya sa pagkakapasok ko sa trabaho?

AKO : Honestly, hindi ako ganun nashock nung nalaman ko na magkapatid sina Axel at ang boss ko. Mas nashock ako na magkakilala sina Harabella at Yexel.

Sabay kaming napatingin ni Maica kina Hara at Yexel na busy sa pag-uusap. Mula nung dumating si Hara ay hindi na umalis si Yexel sa tabi niya. Parang ang dami nilang pinag-uusapan. Tapos parang mangiyak ngiyak pa si Hara.

Ano ba! Naiintriga na ako!

AKO : Sa tingin mo, si Yexel kaya ang lalaking minamahal ni Hara?

Tumingin muna si Maica dun sa dalawa sabay umiling.

MAICA : Tingin ko hindi. Parang di naman ang tipo ni Yexel ang type ni Harabella. Saka mas bet ko si Yexel para sayo.

Binatukan ko tuloy si Maica bago pumapak nung pulutan naming balat ng manok at chicharong bulaklak. Putok batok ang mga pulutan namin.

MAICA : Nagseselos ka ba?

Ako??? Nagseselos? Bakit??? Binato ko ng nadampot na chicharon si Maica.

AKO : Hindi ako nagseselos. Kung ano ano na naman ang pumapasok dyan sa madumi mong utak.

MAICA : Hindi daw nagseselos kaya pala panay ang tingin mo ng masama dun kina Hara at Yexel. Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa bumagsak yun.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Maica na nagseselos ako or masama ang tingin ko kina Hara at Yexel. Ganun ba ang nakikita ng ibang tao?

Mayamaya ay lumapit si Hara samin. Kasunod niya si Yexel. Mukhang good mood sila pareho. Ano kaya ang pinag-usapan nila?

HARA : Wala bang kakanta sa inyo? Kanina pa nauumay ang tenga ko kina Ella at Diane.

Yung mga kaibigan ko lang kasi ang nagpapalit palit sa pagkanta. Kami ni Maica ay nananahimik lang. Imagine pati ang pagkahilig ko sa pagkanta ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko nga di ako nag-eenjoy.

AKO : Mamaya kakanta din ako. Hinahayaan ko lang na mapaos yung mga yun.

Tumango lang si Hara at umupo siya sa tabi ni Paul. Si Yexel naman sa tabi ko naupo. Sawa na ba silang magtabing dalawa?? Pagtingin ko kay Maica nang-aasar na tingin ang ibinigay niya sakin. Sabay pabulong na nagsabi:

"Landiin mo na"

Baliw talaga itong si Maica. Mukha ba akong mauubusan ng lalaki para manlandi.

Mayamaya ay narinig kong bumulong si Yexel malapit sa tenga ko. Malakas kasi ang sound ng videoke. Pakiramdam ko naman ay may ilang libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko.

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon