# 53 Bad News

1.2K 32 8
                                        

DEAR DIARY;

Three days before Christmas.

Naabutan kong umiiyak si Alyna sa kwarto namin. Nag-alala naman ako kung bakit kaya tinanong ko siya. Nagbreak daw sila nung jowa niyang porendyer. Broken hearted ang lola mo. Niyaya ko nalang siya na mag-inuman kaming dalawa. Langya ang lakas din pala uminom nung babaeng yun. Nakakatuwa lang siya tignan kasi nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung iniwan din ako ni Axel noon. Since mas matanda ako kay Alyna ay inaadvisesan ko nalang siya. Bata pa siya at maganda. Madami pa siyang makikilala.

***

Gusto ko na din yatang magwala ng iyak. Paano ba naman kasi si Axel. Tinawagan ako. Bad news! Hindi daw siya makakapunta sa Christmas dahil darating daw ang daddy niya at gusto ng mommy niya na magsama sama silang lahat sa Christmas at New Year. Mukhang nagkakabalikan ang magulang nila. Nakakainis pero wala naman akong magawa.

First Christmas and New Year sana namin ito na magkasama pero wala. Nganga ako!

Sorry naman siya ng sorry sakin pero wala na. Nasaktan na ako.

Umasa lang ako sa wala!

***

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon