IX - One Last Time

1.1K 30 11
                                        

Gwen,

Namimiss na kita.

Balita ko natanggap ka na sa kumpanyang pag-aari ni Daddy. Good for you. Mapapanatag na ang loob ko na magiging okay ka kahit na magkalayo tayo.

Lagi kang mag-iingat Gwen.

Sorry ulit sa mga kasalanan ko sayo.

Mahal na mahal kita.

-A.S.

***

Isang malakas at lumalagutok na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Masakit pero hindi ako makapagreklamo. I deserve this. Alam kong kulang pa ang sakit mula sa sampal na ito sa sakit na ibinigay ko kay Gwen.

AKO : I'm sorry Hara.

HARA : What do you think you're doing here? Sa tingin mo ba gusto kong makita iyang nakakabwisit na pagmumukha mo?

AKO : I know may nagawa akong hindi tama but I did that for Gwen's sake.

HARA : Sa tingin mo maniniwala ako?

Hindi ko alam kung bakit sa bahay ni Hara ako napadpad. Actually galing ako sa bahay ni Paul at dahil magkapit bahay lang sila ay dumaan na din ako sa bahay ni Hara. Ang kaso hindi maganda ang naging pagtanggap niya sakin which is understandable naman.

HARA : Alam mo ba kung gaano nasaktan si Gwen sa bigla mong pag-iiwan sa kanya sa ere? You told her you love her and yet iniwan mo siya at ipinagpalit sa iba?! Anong klase kang lalaki!

Hinawakan ni Paul si Hara sa balikat at pinakalma.

PAUL : Calm down Hara. Hayaan mo munang magexplain si Axel.

HARA : Explain?! I don't need to hear his explanation. Hindi naman ako si Gwen.

AKO : I know. But I can't tell this to Gwen. Alam kong pipigilan niya ako. Ikaw lang ang tanging naisip ko. I don't know. Maybe because I know that even if you don't like me you still treat me as a friend. And you are the first girl that treat me violently.

HARA : Is that an insult or compliment?!

AKO : Compliment of course.

Mukhang kumalma na din si Hara sa wakas at pinapasok na niya kami sa bahay niya. Actually, ako lang pala dahil si Paul ay kanina pa feel at home sa bahay ni Hara at kumakain ng ice cream. Langyang kaibigan iyan. Iniwan ako sa labas ng bahay.

PAUL : Ikaw naman ang may kasalanan kay Hara at hindi ako. Hara, may gamot ka ba sa sakit ng ulo? May hangover pa ako sa pag-inom namin kagabi ni Axel.

HARA : Dun sa medicine cabinet sa loob ng restroom. Wait lang kukunin ko.

PAUL : Huwag na. Ako na lang. Pakinggan mo nalang ang sasabihin niyan ni Axel.

At iniwan na kami ni Paul. Nagtataka namang napatingin ako kay Hara.

HARA : What?!

AKO : Nothing. I'm just wondering kung bakit hindi naging kayo ni Paul. Bagay naman kayo at halatang magkasundo kayong dalawa.

HARA : Bakit pa kailangang maging kami? Magiging magjowa kaming dalawa tapos ano iiwan din niya ako katulad ng pag-iwan mo kay Gwen? Tapos magwawala at iiyak ako na parang katapusan na ng mundo? No thanks! I prefer to be single.

AKO : Wooo! Ang tindi din ng takbo ng utak mo 'no? Kumbaga sa basketball first five minutes palang ng game pero ikaw nasa last two seconds na lang.

Ayun! Binato niya ako ng throw pillow. Bayolente talaga.

***

Kinuwento ko sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Mommy. Sinabi ko din sa kanya ang consequence na pwedeng mangyari kapag hindi ako nakipaghiwalay kay Gwen. Hindi ko alam kung pinaniwalaan niya ako pero pailing iling lang siya.

HARA : Napakacliche ng kwento mo. Para ka palang si Dao Ming Zi.

AKO : Sino yun?

HARA : Ex-boyfriend ko.

AKO : Akala ko ba never ka pang nagkaboyfriend?

HARA : Bakit ba mas marunong ka pa sakin? Huwag mo ng kilalaninsi Dao dahil hindi yun nakikipagusap sa hindi niya kauri.

AKO : Grabe ka naman sakin. Friends naman tayo diba?

HARA : Sinong nagsabi?

Hindi ko alam kung talagang may tama sa ulo itong si Hara kaya hindi ko siya naiintindihan.

***

Nagpaalam na din ako sa kanya pagkatapos naming mag-usap. Kailangan ko pa kasing ayusin ang mga gamit ko bago ako umalis papuntang ibang bansa.

Pero for the last time dinaig ako ng kagustuhan kong maging makasarili.

Dumaan ako sa bahay ni Gwen pero hindi ako nagpakita sa kanya. Nakita ko siyang nagdidilig ng halaman. Hindi naman mahilig sa halaman si Gwen pero sabi ni Hara mula daw ng iwanan ko si Gwen ay sa paghahalaman niya ibinaling ang sarili niya. Naimpluwensyahan daw ni Maica.

Gustong gusto kong yakapin si Gwen. Gusto kong umatras sa usapan namin ng Mommy ko. Pero sa tuwing maiisip ko na hindi ko kayang mahirapan si Gwen ay pinipigilan ko ang sarili ko.

Pero pangako.

Sa susunod na humarap ako kay Gwen, kaya ko na siyang panindigan.

***

A/N:

Hello! Unahan ko na kayo. Matatagalan ang susunod na update. Maghahanap muna ako ng inspirasyon.

-shinayawaara

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon