Gwen,
Kumusta ka na? Oo alam ko sinabi ko ng magmomove on na ako sayo. Pero wala talaga. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko. Ilang buwan na nga ba ang nakalipas? Nine months? Halos mag-iisang taon na din akong walang balita sayo. Ang dami ng nangyari sa buhay ko na gusto kong ishare sayo.
Napatunayan ko na hindi ko anak ang dinadala ni Amy. Marahil ay nakunsensya din siya na sabihin sa akin ang totoo na wala talagang nangyari sa amin noong gabing iyon. Huwag kang mag-alala dahil okay na din naman si Amy. Pinanagutan siya ng talagang nakabuntis sa kanya. Ayaw niya lang umamin na boyfriend niya yun dahil natatakot siya sa daddy niya na sabihin na mahirap lang ang boyfriend niya. Well atleast, she has the courage na ipaglaban ang totoong mahal niya. All well that ends well.
Sina Mommy at Daddy naman ay maayos din. Hindi na binawi nung daddy ni Amy ang shares of stocks nila sa Company ni Daddy. Humingi pa nga ito ng pasensya sa ginawang pagsisinungaling ni Amy sa amin.
Si Kuya Yexel naman....well, hayaan na natin siya sa buhay niya. Wala akong pakialam sa trip niya sa buhay. Pero ang huling balita ko ay may nililigawan na siya. Good for him. Malas nung babae.
Ang mga kaibigan mo naman ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan sa buhay. I'm sure may communication ka naman sa kanila. Naiinis lang ako kay Hara kasi hindi niya pa rin sinasabi sakin kung nasaan ka o kung kumusta ka na. Maski si Maica walang sinasabi sakin. Lagi lang akong sinusungitan.
Ako naman heto, mas lalong gumuwapo at mas lalong naging hot. Para kapag nagkita tayo ulit magsisi ka na pinakawalan mo ako. Joke lang. Pero totoo na naging mas gwapo at hot ako. Hawakan mo pa ang six packs abs ko. Namimiss pa din kita hanggang ngayon.
Kidding aside, nagtayo ako ng sarili kong business. Isang coffee-bookshop. Kahit papaano ay may pagkabusiness minded din naman ako. Well, tinulungan ako ni Hara actually. Mas business minded ang kaibigan mong iyon kaysa sakin. Maayos naman ang naging business ko sa loob ng ilang buwan. Although medyo bago pa nga lang pero madami naman akong nagiging customer. Karamihan ay mga estudyante at young professional na adik sa kape at libro.
Ikaw? Kumusta ka na?
-A.S.
***
Isang package ang natanggap ko ng araw na iyon sa isang taong nagngangalang Thomas O'brien Perez. Hindi ko siya kilala. Iniisip ko pa nga na bomba ang laman ng package.
Nang buksan ko ay isang makapal na notebook ang tumambad sakin. Nagtataka pa nga ako dahil parang pamilyar sa akin ang notebook na iyon. Parang nakita ko na ito dati.
Nagtatakang binasa ko ang maliit na card na nakadikit sa ibabaw ng notebook.
I think it belongs to you now.
P.S.
Turn to the last page.
Iyon lang ang nakalagay sa card. Puno ng pagtataka na sinimulan kong buklatin ang pahina ng notebook hanggang sa makita ko ang huling pahinang tinutukoy sa card.
Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha sa mga mata ko habang sinisimulan ko ang pagbabasa. Puno ng emosyon ang mga nakasulat sa notebook.
Hindi ko alam kung sino ang Thomas O'brien Perez na iyon na nagpadala sa akin ng ngayon nga ay journal ni Gwen na hawak ko. Pero kung sino man siya ay gusto ko siyang pasalamatan at marami akong gustong itanong sa kanya. Subalit dahil hindi ko naman siya kilala ay hindi ko siya matatanong ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
