# 65 Too Painful to handle

1.5K 41 29
                                        

DEAR DIARY;

Pinuntahan ako nila Hara at Maica sa bahay. Mukhang nakarating sa kanila ang pagwawalang ginawa ni Axel. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanila. Malamang si Paul iyon.

MAICA : Hay naku naman talaga iyang si Axel! Hindi naman tama ang ginawa niya sayo. Nagwala pa siya dito. Nakakahiya siya.

HARA : Hindi mo rin naman kasi masisi si Axel. He's desperate. Ang sabi nga sakin ni Paul lagi na lang daw naglalasing si Axel. Hindi na rin siya umuuwi sa kanila. Sa bahay ni Paul siya nagstay ngayon.

MAICA : Pero mali pa din siya. Hay naku! Sumasakit ang ulo ko sa kanya.

AKO : Actually, may sasabihin ako sa inyong dalawa. Balak ko nga kayong tawagan din. Mabuti na lang at nagpunta kayo dito.

MAICA : Ano yun? Mangungutang ka? Magkano?

AKO : Hindi ako mangungutang.

MAICA : Eh ano lang?

AKO : Buntis ako.

Biglang nabulunan ang dapat sana ay painom ng tubig na si Hara. Si Maica naman ay biglang nanlaki ang mata.

H&M : Ano kamo?????

AKO : Buntis ako.

MAICA : Sino ang ama?

Biglang hinampas ni Hara si Maica ng unan.

HARA : Malamang si Axel. Sino pa ba?

MAICA : Aba! Malay mo at sumasideline pala itong kaibigan natin nang hindi natin nalalaman. So, alam na ba ni Axel ito?

AKO : Hindi pa. Balak ko nga sanang sabihin sa kanya ang kaso ay nagwala naman siya bigla at sinapak pa si Panda.

MAICA : Si TOP??? Bakit naman siya sinapak ni Axel?

AKO : Galing kasi si TOP dito. Nag-pangabot sila ni Axel. Akala ni Axel ay boyfriend ko si TOP. Ayun, nagkagulo na. Ang buong akala ni Axel ay niloko ko siya at kaya ako nakipaghiwalay sa kanya ay dahil kay TOP.

MAICA : Ano????!!!!! Baliw ba talaga si Axel? Dinungisan niya ang gwapong mukha ni TOP. Badtrip siya ah! Hay naku Gwen! Huwag mo nang masabi sabi kay Axel na buntis ka at siya ang ama. Tutal ikakasal na din naman siya sa ibang babae.

HARA : Pero si Gwen pa din ang magdedecide nun. Kasi karapatan pa din ni Axel na malaman na magkakaanak kayo.

MAICA : What for?!!! After what he did to Gwen may karapatan pa siya?! Oh come on Harabella!

HARA : Kahit ano pa man ang opinyon natin, si Gwen pa din naman ang masusunod. Basta tandaan mo Gwen, ano man ang maging desisyon mo nandito lang kami para suportahan ka.

AKO : Thanks Girls, the best talaga kayo.

***

Pinag-isipan kong mabuti kung dapat ko bang sabihin kay Axel na buntis ako. In the end nangibabaw pa din ang pagmamahal ko sa kanya kaya I decided na puntahan siya sa bahay nila. Tinext ko kasi si Paul ang sabi niya ay nakauwi na daw si Axel sa kanila. Hindi na ako nagtext kay Axel. Isusurprise ko nalang siya and this time willing na akong makinig sa paliwanag niya. Tama naman Hara. Unfair para kay Axel na hindi ko man lang siya hinayaang mag-explain and unfair din kung hindi ko sasabihin sa kanya na magkakaanak na kami.

Nagtaxi nalang ako papunta sa bahay nila Axel.

Okay na sana ang lahat. Handa na sana akong harapin siya ulit. Just to have another surprise in my life.

Sa labas ng bahay nila Axel, I saw him and Amy kissing. Hindi na ba talaga sila nahiya at kahit sa labas ng bahay ay naghahalikan sila to think na pwedeng may makakita sa kanilang iba?!

TAXI DRIVER : Miss nandito na po tayo.

AKO : Manong pakidiretso mo nalang po. Hindi na po ako bababa dito.

Halatang naguluhan naman yung taxi driver pero hindi na lang siya nagsalita. Hindi ko naman napigilan ang pagpatak ng luha ko. Ang sakit sakit lang. Kung kailan naman willing na ako harapin ang lahat ay sumuko na si Axel at tuluyan na akong ipinagpalit sa ibang babae.

TAXI DRIVER : Huwag ka ng umiyak Mam. Isipin mo nalang hindi talaga kayo para sa isa't isa.

AKO : Ang sakit sakit lang kasi kuya. Mahal na mahal ko siya.

TAXI DRIVER : Ganun naman ho talaga Mam ang pagmamahal. Masasaktan ka pero ang mahalaga ay nanatili kang matatag.

Pati si kuya driver ay pinangaralan na ako. I am so pathetic! I really hate him!

***

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon