Gwen,
Sana isang araw muli kong masilayan ang mga ngiti mo.
-A.S.
***
Birthday ni Maica ngayon at invited ako. Infairness naman sa mga kaibigan ni Gwen ay kahit nagkahiwalay na kami ng kaibigan nila ay nanatili ko pa rin silang kaibigan. Although medyo ramdam ko na naiilang sila sakin. May galit na din siguro sila dahil sa ginawa ko sa kaibigan nila. Normal lang naman iyon. Pero sana magmove on na din sila.
MAICA : Hoy Axel! Nasaan ang pasalubong namin? Uuwi uwi ka dito wala ka man lang pasalubong.
ELLA : Oo nga! Sana man lang naguwi ka kahit isang lalaki lang.
AKO : Ha? Bakit ako mag-uuwi ng lalaki?
ELLA : Syempre para sakin.
Kinurot naman ni Allie si Ella.
ALLIE : Malandi ka talaga.
AKO : Sorry girls hindi ako nakabili ng pasalubong. Itetreat ko na lang kayo. Saan niyo ba gusto?
MAE, AIRAH, DIANNE : Disneyland!!!!
AKO : Disneyland kayo dyan! Magsipaghanap kayo ng boyfriend at doon kayo magpalibre sa Disneyland. Lugi negosyo sa inyo.
Nakakatuwa lang talaga itong mga kaibigan ni Gwen. Napansin ko si Gwen na nananahimik lang sa isang tabi. Mukhang wala siya sa mood or ayaw niya lang talaga ako makita at makasama.
Bitbit ang isang plato ng pagkain ay nilapitan ko si Gwen.
AKO : Hi, para sayo. Ikinuha na kita kasi mukhang wala kang balak na tumayo dyan.
GWEN : Bakit ka nandito? Bakit ba kasi bumalik balik ka pa?!
AKO : Inimbitahan ako ni Maica. Bumalik ako kasi may kailangan akong gawin dito.
Tinitigan ako ni Gwen ng masama.
AKO : Kain ka na.
GWEN : Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ang tulong mo.
AKO : Nagmamagandang loob lang naman ako.
GWEN : Hindi ko rin kailangan ang pagmamagandang loob mo. Maitim ang budhi mo. Hindi iyon bagay sayo.
Kinurot ko ang pisngi ni Gwen. Nakakagigil lang kasi.
GWEN : Aray ano ba?! Ang sakit nun ah!
AKO : Namiss lang kita.
GWEN : Tigilan mo nga ako sa kalandian mo Axel. Hindi mo ako madadala sa ganyan. Kung ang ibang babae ay nadadala mo sa pagpapacute mo ng ganyan. Ibahin mo ako. Change me!
Bilang pang-aasar ay nangalumbaba pa ako sa lamesa at tinitigan siya. Natutuwa ako kasi obvious na naiilang siya sa akin.
AKO : Hindi naman ako nagpapacute kasi gwapo ako. Ang cute ay para lang sa mga baby.
Inilapit ko pa lalo ang mukha ko sa mukha niya. Kuntodo iwas naman si Gwen.
AKO : Wala ka pa ring ipinagbago. Ang ganda ganda mo pa din.
Tinampal naman ni Gwen ang noo ko.
GWEN : Tigilan mo ako Axel. Hindi ka na nakakatuwa ah.
ELLA : Hoy ano iyan! Bakit may landiang nagaganap dyan?
ALLIE : Nagkabalikan na ba kayong dalawa ah?
MAE : Kayo na ulit? Nakakatuwa naman.
GWEN : Pwede ba tigilan niyo ako?! Hindi kami nagkabalikan okay! Asa pa kayo!
AIRAH : Axel, mahal mo pa ba si Gwen? May pag-asa bang magkabalikan pa kayong dalawa?
Napansin kong natigilan ang mga kaibigan ni Gwen at nag-aabang ng sagot mula sa akin. Subalit imbes na sagutin ang tanong nila ay ngumiti lang ako.
AKO : Happy birthday Maica!
***
A/N :
This is Axel's POV nung birthday celebration ni Maica.
Hmmmm why do I get this feeling na naiinlove ako sa character ni Axel?
-shinayawaara

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.