A/N:
Ito ang continuation dun sa Chapter 3 - Brix ng The Boys and I (isa ko ding story, sa mga di pa nakakabasa, sana basahin niyo din para mas makilala niyo pa si Gwen, Hara at Maica) Sa mga nagtatanong kung ano ang nangyari kina Axel at Gwen, narito ang sagot.
Enjoy!
***
DEAR DIARY,
Naglasing kami ni Maica kagabi. Bigla na lang kasi nagpatawag ng meeting de abanse ang bruha. May problema yata sa lalaki. Sinabi ko naman kasi sa kanya na bawas bawasan ang pagmamaganda niya para hindi siya namumrublema.
Sa mga kaibigan namin ako at si Hara lang ang nakinig kay Maica. Mga busy daw ang iba naming kaibigan. Eh di wow! Sila na ang busy ako na ang hindi. Kunsabagay gusto ko din naman na uminom. Bukod sa byernes naman nun at walang pasok kinabukasan ay gusto kong ilabas ang kaimbyernahan ko sa bago kong boss.
Dun kami sa bar na pag-aari ni Hara tumambay. Masarap tumambay dun sa bar ni Hara kasi lahat ng inumin namin ay libre. #PerksOfBeingKuripot
Kaming dalawa lang ni Maica ang umiinom dahil hindi daw pwede uminom si Hara at siya ang barista muna dahil wala daw ang tao niya. Kung ako walang ibang iniisip kundi kabitteran sa buhay, si Hara naman walang ibang inisip kundi ang magpayaman. Kung minsan nga iniisip ko kung bitter din ba kaya sa lovelife iyang si Hara. Kaso napakalihim naman kasi wala man lang akong mabalitaang boylet.
Anyway, hayaan na natin si Hara. Isang araw kukulitin ko din iyan para umamin.
Nag-open si Maica samin about sa exboypren niya. Nakikipagbalikan daw sa kanya matapos siyang lokohin at ipagpalit sa ibang babae. Ang kapal ng mukha! Sarap putulan ng pagkalalaki. Ganyan na ba talaga ang mga lalaki sa mundo? Kapag nagsawa na sa iba ay babalik sayo?
Syempre shinare ko din sa kanila yung tungkol sa bago kong boss. Ang lagay ba ako lang ang maiibyerna? Damayan nila ako.
MAICA : Gwapo ba?
Kita mo iyang babaeng iyan. May problema na ngat lahat ay nagawa pang pairalin ang kahiligan sa mga gwapo.
AKO : Gwapo naman. Kaya lang parang pinaglihi yata sa sama ng loob. Ni minsan hindi ko man lang nakitaan ngumiti.
HARA : Bakla?
AKO : Hindi ko alam. Wala pa naman akong nakitang senyales na baka bakla siya o paminta kasi hindi pa naman ako nababahing.
MAICA : Bet mo ba?
AKO : Siguro kung naging gentleman lang siya o kung marunong lang siya ngumiti baka naging bet ko siya. Kaya lang umpisa pa lang wala na eh. Bad record na siya sakin.
MAICA : Nagsorry naman na siya sayo. Patawarin mo na. Saka boss mo yun teh! Wag kang mag-inarte ng ganyan kung ayaw mo mawalan ng trabaho.
AKO : Nung nagsorry si Brix sayo tinanggap mo ba agad?
Nakatanggap ako ng batok mula kay Maica dahil pinaalala ko sa kanya yung exboypren niya.
MAICA : Gaga ka! Ibang sitwasyon naman yung samin ni Brix sa inyo niyan ng boss mo. Hello????!!!! Puso, pride at pagkababae ko ang inapakan ni Brix, ikaw taxi lang ang inagaw sayo. Hindi mo pa taxi! Kaya wag kang mag-inarte dyan na animo ang laking bagay ang kinuha sayo.
Minsan may pagkabrutal din talaga magsalita si Maica. Brutal na bayolente pa. Ang sakit nung pagkakahampas niya sakin. Hihingi sana ako ng tulong kay Hara kaso nilayasan na kami. Magtatrabaho daw muna siya.
AKO : Kahit na ba. Kung sana nung nagsorry siya ay ramdam ko na sincere siya kaso hindi eh. Napagalitan niya pa ako.
Nakakainis naman kasi talaga yung ginawa niya sakin eh. Hindi ganun kadaling makamove on.
MAICA : Bruhang to! Boss mo yun! Kung tutuusin dapat ka pa nga magpasalamat at nag-abala pa siyang magsorry sayo eh samantalang tauhan ka lang naman niya. Mabait pa siya kung tutuusin.
Hindi ko alam kung sadyang magkaiba lang ba talaga kami ng depinisyon ni Maica ng salitang "mabait"
MAICA : Baka naman kasi pinairal mo na naman iyang kabitteran mo kaya pati iyang walang malay mong boss ay nadamay sa pagiging bitter mo sa pag-ibig. Move on move on din teh pag may time.
Ang lakas din mang-asar nitong babaeng ito. Sino ba ang nagsabi na hindi pa ako nakakamove on? Hello?! Nakamove on na kaya ako. Matagal na.! #DenialStage
MAICA : Isipin mo nalang hindi lahat ng lalaki katulad ni Axel, kung nasaktan ka dati, malay mo may bagong darating na magpapatibok ulit niyang bato mong puso. Malay mo yung boss mo na pala yun. Ano nga ba pangalan nun?
AKO : Yexel.
MAICA : Yexel?! Ano ba namang kapalaran ang meron ka Gwen! Axel-Yexel! Wala bang ibang pangalan ng lalaki?!
Napaisip ako. Ngayon ko lang din narealized na magkatunog nga ang pangalan ni Axel at ni Sir Yexel. Lakas talaga mantrip ng tadhana.
Hindi ko na alam kung nakailang baso kami ng alak ni Maica. Inaawat na nga kami nung mga bouncer pero ayaw namin magpaawat. Inaaway pa namin ni Maica. Hanggang sa huli wala din silang nagawa kundi ang hayaan kami. Wala silang choice. Kaibigan kami ng may-ari.
Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Basta ang natatandaan ko lang ay nasa loob na ako ng kotse ni Axel at nasa tabi ko na ang isa sa pinakaayaw kong makasama sa mundo. Kung bakit ako napunta dun isang tao lang ang pinaghihinalaan ko.
Humanda ka sakin Hara kapag nagkita tayo! Aalamin ko talaga lahat ng sikretong itinatago mo!
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.