DEAR DIARY,
Hindi ako si Gwen. Nakikisulat lang ako sa journal niya.
Unang una gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa mga kwentong naisulat at isinusulat ko. Sa mga patuloy at walang sawang nagvovote at comment. Sobrang natutuwa po ako. Pangtanggal kayo ng pagod.
Sa mga naiinis dahil ang tagal kong mag-update o sa mga bitin kong updates, pasensya na po. Sana ay maintindihan niyo po ang kalagayan ko haha! Kung tutuusin ay kulang ang 24 hours sa loob ng isang araw sa buhay ko. Masyado po talaga akong busy at isinisingit ko lang ang pag-uupdate kapag nasa byahe ako.
Nagtatrabaho ako sa isang Energy Company sa Taguig. Gumising ako ng 6AM tapos aalis ng bahay ng 7AM. Magbabyahe ako ng isat kalahating oras. Kung mamalasin pa ay dalawang oras akong nasa kalye kapag tinamaan ng forever na trapik. Nakakabadtrip noh? Samantalang sa Makati lang naman ako nanggagaling. 6PM ang out ko sa office pero never akong nakapag out ng maaga dahil sobrang tambak ang trabaho ko. Ewan ko nga ba at bakit parang hindi yata sila nauubos. Sa tingin ko nanganganak sila kapag gabi. Nakakaalis ako ng opisina namin ng 9PM na at makakauwi ako ng bahay ng 10PM. Wala ng masyadong trapik kapag gabi na. Syempre pagdating ko ng bahay ay pagod na ang utak at katawan ko dahil sa maghapong trabaho. Paminsan minsan ay naisisingit ko ang mag-update. Pero madalas ay hindi na dahil inaantok na ako. Ganun ang routine ko mula Lunes hanggang Byernes. Walang pagbabago. Kapag Sabado at Linggo naman ay mas busy ako dahil "Baby time" ko iyon.
Kaya sa mga nag-aabang ng updates po chill lang tayo. Tiwala lang. Ienjoy natin ang buhay haha! Mahal ko kayo!
P.S.
Nagagawa nga naman ng trapik oh!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Romanzi rosa / ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
