DEAR DIARY:
Christmas day!
Magkasama kami ni Panda pero hindi lang kaming dalawa. Isinama din namin si Alyna para hindi na magmukmok dahil sa break up nila ng jowa niya.
Wala namang masyadong malibutan dito sa Isabela. Lakas trip lang kami kasi nagjoyride kami. May nirent na sasakyan si Panda. Tapos nagpicnic kami at nagswimming. Kahit na medyo nalulungkot ako sa hindi namin pagkikita ni Axel ay kahit papano napasaya naman ako nila Alyna at Panda. Tawa nga ng tawa si Alyna nung nalaman niya na Panda at Diyosa ang tawagan namin. Nalaman ko na din pala ang tunay niyang pangalan. Thomas O'brien Perez. T.O.P. for short.
Pero mas gusto ko pa din ang Panda.
***
Tinawagan naman ako ng mga kaibigan ko. Nakakainggit dahil magkakasama sila. Dun sila nagcelebrate sa bar ni Hara. Namiss ko na ang mga alak dun. Ilang araw pa bago ako makauwi sa Maynila. Nakakapagtaka dahil hindi man lang ako tinawagan ni Axel. Nagtatampo na talaga ako sa kanya.
Hindi na nga siya nagpunta tapos hindi man lang niya ako tinawagan para batiin. Anong problema nun?!
P.S.
Binigyan pala ako ng regalo ni Panda. Nagulat nga ako. Hindi ko ineexpect na bibigyan niya ako ng gift kasi ako nga walang regalo sa kanya. Isang malaking Panda na stuff toy ang regalo niya sakin. Goodluck naman sa pagbalik ko nito sa Maynila.
***
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
