DEAR DIARY;
May nabasa ako sa isang post sa Facebook. "Hanggat hindi pa happy ang isang bagay, hindi pa ending iyon".
Maybe.
But for me I guess this will be the last entry ko sayo. I want to start a brand new life and in order for me to do that ay kailangan kong iwanan ang mga bagay na nagpapasakit sakin. Ayoko mang iwan ka ay kailangan. Masyadong madaming memories ang nakalagay sayo. Masasaya at malulungkot na memories. Naging malaking bahagi ka ng buhay ko. Ikaw na halos ang nakaalam ng lahat ng pinagdaanan ko.
Pero dahil gusto kong magsimula ulit ay kailangan kitang kalimutan.
Ngayon na ang alis ko papuntang Sagada. Any minute from now ay darating na si TOP para sunduin ako. Sobrang mamimiss kita. Para kasing ikaw na ang number one bestfriend ko. Siguro nga kung nakakapagsalita ka lang baka sinermunan mo na ako tulad nila Hara at Maica. Pero kung talagang may buhay ka siguro alam kong naiintindihan mo ako. Kailangan kong gawin ito. Kailangan kong magsimula ng bago.
I still love Axel at hindi na siguro basta basta mababago pa iyon. Lalo pa ngayon at may munting buhay na pumipintig sa loob ng tyan ko kasama ang mga bituka, atay at balumbalunan ko.
Nakapagpaalam na din naman ako sa mga kaibigan ko hindi nga lang nila alam kung saan ako pupunta pero kung sakaling mabasa man nila ito katulad ng pag-iinvade ni Harabella noon sa iyo. Pakisabi sa kanila salamat sa lahat lahat at sobrang mamimiss ko sila. Idamay na din nila sina DJ, Paul at Yexel.
Kung sakaling mapulot ka ni Axel at mabasa pakisabi na din sa kanya na magiging daddy na siya. Saka sabihin mo din na mahal na mahal ko siya. Mula ulo hanggang paa. Kasama na puso at kaluluwa.
Sabihin mo din pala kay TOP thank you sa pag-unawa niya sakin. Sobrang thankful din ako sa kanya. Hindi lang siya basta gwapo at mayaman, may ginintuang puso din siya. Maswerte ang babaeng mamahalin niya. Malas niya lang dahil may boyfriend na si Harabella. Ay huwag mo na palang sabihin kay Panda iyon kasi baka lumaki ang ulo niya bigla at hindi na siya magkasya sa pintuan. Alam naman na niya iyon.
Higit sa lahat, maraming thank you sayo. Sa walang sawang pakikinig mo sa mga drama ko sa buhay.
At para sa makakabasa man nito. Iba ang kwento ng buhay ko sa kwento mo. Maybe walang forever ang lovelife ko. But it doesn't mean na ganun din ang sayo. Bawat tao may kanya kanyang love story. Malay mo GOD is just busy writing the best lovestory for you. Hintay lang. Darating din iyon. Sa tamang panahon.
Hindi pa din naman ako sumusuko. Alam kong darating ang time na magiging happily ever after din ang kwento ko. Hindi man siya ngayon baka coming soon.
Oh siya. Nandyan na si TOP. Maraming salamat sa pagsama sa kwento ng buhay ko.
Mamimiss ko kayo!
Love,
Ang pinakamagandang Diyosa sa balat ng Earth.
Gwyneth Salazar.
***
A/N:
The end???? Tapos na????
This will be the last entry ni Gwen sa journal niya. Maraming salamat sa pagsama sa masalimuot at mahugot na buhay ni Gwen.
So I guess ba bye na???
But wait there's more!!!!!
Last entry ni Gwen iyon sa journal niya but it doesn't mean na tapos na ang kwentong ito! Wala na nga akong lovelife pati ba naman si Gwen wala pa din?!
Samahan niyo akong muli sa pagpapatuloy ng kwentong Walang Forever but this time kwento naman ni Axel ang uusisain natin. Ano nga ba talaga ang nangyari? Talaga nga bang minahal niya si Gwen o niloko lang niya?
Sana po ay patuloy niyo pa din akong samahan sa kwentong ito kahit na medyo matagal akong mag-update. Thank you thank you ng madami!
I love you much!
Kayo ang forever ko!
-shinayawaara

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.