# 15 Isang linggo...

2.5K 72 9
                                    

DEAR DIARY,

Isang linggo na ang nakalipas mula nung punuin namin ni Maica ng laman ang bahay alak namin. Isang linggo na din ang nakalipas mula nung huli kaming magkita ni Axel. At higit sa lahat isang linggo na ang nakalipas mula nung huli akong nakapagsulat dito sa journal ko. Masyado kasi akong naging busy kaya nawalan ako ng time na magsulat.

Alam mo ba journal sa loob ng isang linggo na hindi tayo nagkasama ay marami akong nalaman na syempre gusto kong ishare sayo.

1. Kinompronta ko si Hara kung bakit kay Axel niya ako ipinagkatiwala nung nalasing ako. Ang sabi ni Hara may tiwala daw siya kay Axel. (Eh di wow!)

2. Tinanong ko si Maica kung wala bang boylet si Hara (para magantihan ko siya sa ginawa niyang pagset-up samin ni Axel) ang sabi ni Maica meron daw pero hindi niya kilala. Iisang lalaki lang daw ang kinahumalingan nung bruha kong kaibigan at mukhang hanggang ngayon ay kinahuhumalingan pa rin niya. (Aalamin ko kung sino yun. Nakakaintriga!)

3. Nakausap ko si Paul. Kinumpirma niya sakin na mula nung naghiwalay kami ni Axel ay walang naging seryosong relasyon si Axel. (Oo. Napaamin ko din si Paul. Katakot takot nga lang na pangungulit ang ginawa ko)

4. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa din ang mga binitawang salita sa akin ni Axel. Ibig sabihin ba may pag-asa pa na magkabalikan kaming dalawa? (Gusto ko pa ba na magkabalikan kami?)

5. Paksyet! Ang gwapo pala ni Sir Yexel kapag ngumiti. (Change topic na!)

6. Nakita ko ang mahiwagang ngiti ni Sir Yexel nung minsang pumasok ako sa loob ng opisina niya para magpapirma ng dokumento.

May kausap siya sa telepono at nakangiti siya. Pakiramdam ko nalaglag bigla ang panty ko. (Pero syempre di ako nagpahalata baka masermunan na naman ako)

7. Sino kaya ang kausap ni Sir Yexel sa telepono? Girlfriend kaya niya? O baka naman boyfriend niya? Naku! Huwag naman sana! (Sayang ang genes!)

Grabe journal ang daming nangyari sakin at ang daming tanong sa isip ko na naghihintay ng kasagutan.

P.S.

Three days from now madadagdagan na naman ang edad ko. Badtrip!

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon