# 23 Goodvibes lang!

2.2K 61 17
                                    

DEAR DIARY,

Good mood ako ngayon. Bakit? Naalala mo ba yung lunch na nagsabay kami kumain ni Yexel dahil iniwan namin sina Hara at DJ? Ngayon ko lang kasi naalala isulat sayo kasi masyado akong nadala dun sa kwento ni Hara. Nalulungkot kasi ako sa lovestory niya.

Anyways....

Pakiramdam ko mas nakilala ko si Sir Yexel nun. Saka ang gwapo gwapo niya talaga. Hindi niya pa ako pinagtawanan kahit na ang dami dami kong nakain na pagkain. Binayaran niya pa lahat! Patay gutom lang Gwen???

At heto pa! Kaninang umaga ipinatawag niya ako sa office. Akala ko nga masesermunan niya ako.

AKO : Sir ipinatawag niyo daw po ako?

YEXEL : Yeah. Have a seat please. I just want to ask you kung may lakad ka ba sa weekend.

AKO : This weekend Sir?

YEXEL : Yes. Are you free?

Bakit niya tinatanong kung may lakad ako? Don't tell me may balak siyang papasukin ako ng opisina kahit na weekend?

#SlaveDriverNaBoss?

AKO : Wala naman po Sir. Bakit po?

YEXEL : Good! Since you invited me nung birthday natin with your friends, invite kita sa weekend sa Batangas.

AKO : Bakit Sir? Anong meron sa Batangas? Saka bakit niyo ako iniinvite?

YEXEL : May private resort kasi kami sa Batangas and ang balak ko sana ay iset-up sina Bella at DJ dun. Ikaw ang gagawin kong partner in crime ko. (Tapos nginitian niya ako!)

AKO : Ako Sir??? Gagawin mong kasabwat sa plano mo? Gusto mong iset up ko ang sarili kong kaibigan?

YEXEL : Well, kaibigan ko din naman silang dalawa at gusto kong magkaayos na sila. Sa totoo lang para kasing hindi naging maganda ang result nung iniwan natin sila.

Sabagay gusto ko din naman na maayos ang lovelife ni Hara kaya pumayag na din ako sa gusto ng hopeless romantic kong boss!

AKO : Anong gagawin natin?

YEXEL : You will invite Bella then ako na ang bahala kay DJ. If you want you can invite your other friends too para hindi makahalata si Bella.

Nagkasundo na kami ni Yexel sa plano. Basta ang plano lang namin ay bibigyan namin ng chance na magkasama sina Hara at DJ.

Ngayon ko lang narealized na may pagka fan ni kupido din pala itong boss ko.

***

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko. Pumayag naman silang sumama. Sabi naman ni Yexel the more the merrier eh. Para hindi makahalata si Hara. Beach daw ang pupuntahan namin at magoovernight kami dun.

Bigla naman akong naexcite kahit na dalawang araw pa bago ang Sabado. Agad kong tinawagan ang mga kaibigan ko para samahan akong bumili ng bagong swimsuit. Si Ella ang sumama sakin dahil may date daw si Maica.

Talandeng babae!

Si Hara naman ayaw akong samahan. Busy daw siya!

Nakakagoodvibes din dahil ang daming sale dun sa department store kaya naman nakadiscount ako.

#GalawangKuripot

Dalawang klase ng swimsuit ang binili ko. Isang onepiece swimsuit na kulay light blue na medyo malalim ang neckline at isang twopiece bikini na kulay black.

Hindi naman sa nagbabalak akong magpasexy sa pupuntahan namin. Pero dahil beach yun ay dapat naman talagang nakaswimsuit ako. Alangan namang maglong sleeves ako at jogging pants diba?

***

A/N :

Pasensya sa late update. May sakit si author.

Walang Forever!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon