DEAR DIARY;
Hinatid ako nung sumundo sakin mula sa airport hanggang sa hotel na titirahan ko sa loob ng isang buwan. Okay naman siya. Big time diba? Sa hotel ang lola mo. Maayos naman pero pakiramdam ko nahohomesick ako agad. May kasama pala ako sa kwarto. Bale dalawa kami sa isang room. Engineer siya dun sa project na itatayo namin. Sa pagkakatanda ko ay Alyna Rosales ang pangalan niya. Mas bata siya sakin. Parang newly grad nga lang yata siya. Okay naman siya kasama. Mukha siyang kalog at masarap kausap. Nakikita ko nga si Maica sa kanya. Hay! Bigla ko tuloy namiss ang mga kaibigan ko. Mabuti na nga lang at may makakasama din ako dito. Kahit papaano ay malilibang ako.
Oh siya sige! Mukhang nawiwirduhan na sakin ang roommate ko dahil nagsasalita akong mag-isa at kinakausap ka. Babye na!
***
A/N:
Baby alynarosales it's your time to shine :)
-shinayawaara

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.