DEAR DIARY,
Shocks! Nagkita kami ni Axel kanina sa office! Si Axel yung Exboyfriend ko dun sa Entry #3 ko. Hindi ko alam ang ginagawa niya at nasa opisina namin siya. Pero nakita ko siyang pumasok sa area ng boss ko. Hindi ko alam na magkakilala pala sila. Halatang nagulat din si Axel na makita ako pero ang hudyo ay hindi man lang ako tinapunan ng ngiti pero kung makipagngitian dun sa mga babae kong katrabaho ay kasing tamis ng arnibal! Ang landing lalaki lang eh! Nakakabwisit!
Sa sobrang asar ko kay Axel ay dumiretso muna ako sa bar na pag-aari ni Hara. Kaibigan ko yun na medyo may sapak. Madalas may sariling mundo at parang laging walang pakialam sa paligid niya. Ayun nga. Naglabas lang ako ng inis sa kanya. Nakikinig lang siya sakin. Yun ang gusto ko kay Hara. Makikinig lang talaga siya. Swerte mo na kapag nagbigay siya ng komento. Siguro kasi nararamdaman niya na hindi ko naman kailangan ng sermon kundi makikinig lang. Siya nga din pala ang nag-influence sakin na magsulat sa journal. Sabi niya kung may mga bagay akong di masabi sa iba dito ko sa journal sabihin.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkukwento kay Hara bigla ba namang dumating si Axel. Kasama niya si Paul. Kaibigan niya si Paul. Medyo friend din namin pero mas close si Paul kay Hara. Pareho kasi silang may sapak. Nagulat ako nung bigla na lang tumabi sakin si Axel at kinausap ako. Ganito ang naging conversation namin:
AXEL : Kumusta ka na?
AKO : Okay lang. (Ang tipid ko sumagot)
AXEL : Hindi mo sinabi sakin na dito ka din pala pupunta sana isinabay na kita.
AKO : Kaya ko ang sarili ko. Hindi na ako bata.
AXEL : Wala naman akong sinabing bata ka pa. Nagmamagandang loob lang ako. Wala ka pa ring pagbabago. (Tapos bigla siyang umiling iling! Nakakaloka siya ah! Ako pa daw ba?!)
AKO : Marami na akong pinagbago mula nung iwanan mo ako. #HugotPagkatapos ko sabihin yun hindi na kumibo si Axel. Naguilty siguro! Pero minsan naiisip ko bakit nga ba kami naghiwalay ni Axel? Sino ba talaga ang may kasalanan? Mabigat pa talaga ang dahilan ng paghihiwalay namin? Gusto ko sana sagutin ang mga bagay na iyan kaya lang medyo tipsy na ako sa dami ng alak na nainom ko. Mabuti na nga lang at nagawa ko pa din magsulat sa journal ko na ito.
Pagkatapos ko uminom at dahil ramdam ko na ang epekto ng alak ay nagpaalam na ako kay Hara na uuwi na ako. Nagmagandang loob si Paul na ihatid ako pauwi kasi si Axel naiwan pa dahil may kausap na babae. After kasi ng pag-uusap namin ay iniwan na din niya ako at nag-enjoy kasama ng ibang babaeng customers ng bar. Hindi ko alam kung saan sila aabot nung mga babaeng kausap niya. Pero for sure sa kama dadalhin ni Axel yun. Si Axel pa?! Sus!
Pero journal, gusto ko lang linawin sayo na hindi ako nagseselos. Wala na akong pakialam kay Axel.

BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.