DEAR DIARY;
Naiinis ako kay Yexel kahit na alam ko naman na hindi ako dapat mainis sa kanya dahil parte iyon ng trabaho ko. Pero kahit na ba. Hindi pa rin tama na ako ang ipadala niya sa Isabela. Mukhang hindi ko tuloy makakasama si Axel sa Pasko at Bagong Taon.
AXEL : Babe gusto mo ba kausapin ko si Kuya na huwag ka na ipadala sa Isabela?
Nasa bahay kami ngayon at nagsusumbong ako kay Axel tungkol sa desisyon ng office namin.
AKO : Huwag na. Baka mamaya kung ano pa ang isipin ng kuya mo. Baka sabihin niya dinadaan ko sa palakasan dahil boyfriend ko ang kapatid niya.
Naglalambing na niyakap nalang ako ni Axel.
AXEL : I wish I can do something for you.
AKO : Basta nandito ka sa tabi ko okay na ako.
AXEL : I love you Babe.
Syempre nag-I love you too din ako.
Hay! Bahala na nga kung anuman ang mangyari.
Oh siya sige magiimpake pa ako ng gamit ko dahil bukas na bukas din ang alis ko.
***
A/N:
Happy new year everyone!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
Chick-LitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
