Gwen,
Your friend Hara is a freak! Huwag kang masyadong magdidikit doon dahil baka mahawa ka. May pagkabayolente pa siya. Nakakatakot!
Hindi ko alam kung bakit hindi niya ako gusto. Wala pa kayang babaeng tumanggi sakin ng ganun.
Mabuti ka pa mabait ka sakin. Kaya nga gustong gusto kita. Pero sana sineryoso mo man lang yung sinabi ko na kung pwede ako na lang ang boyfriend mo. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin kita, mamahalin at aalagaan.
Sana ako nalang.
-A.S.
***
GWEN : Si Hara? Ganun lang talaga yun. Tahimik lang at bihirang magsalita pero mabait yun at matalino. Sa aming magkakaibigan siya ang pinakamatalino. Weird nga lang.
Nasa canteen ulit kami ni Gwen. As usual kumakain kami ng lunch. Naitanong ko lang sa kanya si Hara.
GWEN : Bakit mo nga pala natanong?
AKO : Wala naman. Kaklase ko siya sa Math.
GWEN : I see. Akala ko crush mo si Harabella.
AKO : Hindi ah! Ikaw kaya ang crush ko.
Tapos biglang namula ang pisngi ni Gwen. Nginitian niya pa ako.
GWEN : Ewan ko sayo.
Okay na sana ang pag-uusap namin kaso biglang dumating yung kaibigan ni Gwen na si Maica.
MAICA : Nakakainis talaga si Paul.
Sabay padabog na umupo at kumuha ng fries ni Gwen. May pagka-PG din itong babaeng ito.
GWEN : Bakit naman?
MAICA : Nakita ko siya may kasamang ibang babae.
Tsismis! Mukhang may gusto kay Paul itong kaibigan ni Gwen.
Well, can't blame her. Gwapo si Paul. Mas gwapo lang ako.
Biglang nag-excuse samin si Gwen dahil bibili pa daw siya ng fries. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Maica.
AKO : Gusto mo ba ilakad kita kay Paul?
Tinignan naman ako ni Maica.
MAICA : Bakit ko naman gugustuhing ilakad mo ako kay Paul?
AXEL : Dahil may gusto ka sa kanya.
Binato ba naman ako ng pakete ng catsup! Ano ba itong mga kaibigan ni Gwen. Mga bayolente.
MAICA : Now I know why Hara don't like you. Nakakabwisit ka!
AKO : Ay grabe siya! Tinutulungan na nga kita. Bestfriend ko kaya si Paul kaya malakas ako dun.
MAICA : Ano namang pakealam ko dun?
AKO : Magiging masaya ka kasi magiging kayo. Tutulungan kita pero may kapalit.
MAICA : Anong kapalit?
AKO : Ilalakad mo din ako kay Gwen.
MAICA : Bakit naman kita ilalakad kay Gwen?
Tapos biglang nanlaki yung singkit niyang mata!
MAICA : Oh em gee! May gusto ka kay Gwen.
Nginitian ko naman siya bilang sagot.
MAICA : Okay deal!
Madali naman pala siyang kausap.
Ayos!
***
A/N:
Pasensya na sa late update. Busy si Authornim. Naistress na nga ako. Enjoy reading! Labyah!
-shinayawaara
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.