DEAR DIARY,
Saturday pa din.
Yehey! May ballpen na ako! Nakisuyo kasi ako dun sa caretaker nila Yexel na bilhan ako ng ballpen.
To be continue tayo.
Nagswimming na nga si Yexel samantalang ako ay muling naupo sa buhanginan. Kuntento na ako na panoorin siya. Pero this time hinubad ko na ang sarong na suot ko. Yung two piece bikini ang suot ko ngayon. Sabi kasi ni Maica mas bagay daw sakin yun.
Feeling ko nanonood ako ng isang pelikula habang si Yexel ay umaahon mula sa dagat. Para siyang Greek God na bumaba sa lupa. Lalo na nung hinawi niya ang basang buhok niya. Natulala na lang ako.
YEXEL : Hey! That's not fair. You should swim too.
AKO : Nah! Kuntento na akong panoorin ka.
Naupo si Yexel sa tabi ko sa buhanginan.
YEXEL : A penny for your thoughts?
AKO : Wala naman. Natutuwa lang akong panoorin ka.
YEXEL : Nagagwapuhan ka ba sakin? (Sabay ngiti)
Okay fine! Gwapo talaga siya!
AKO : Ikaw Fil-Am ka din noh?
YEXEL : What's that?
AKO : Filingerong Ambisyoso (sabay tawa)
Bigla ding tumawa si Yexel. Akala ko maooffend siya sa sinabi ko.
YEXEL : I'm not Fil-Am. Nagsasabi lang ako ng totoo.
AKO : Ang yabang ah!
YEXEL : Totoo namang gwapo ako. Sige nga sabihin mong hindi totoo.
AKO : Oo na gwapo ka na. Pero sana hintayin mong ibang tao ang magsabi.
Nginitian lang niya ako.
AKO : Alam mo dapat lagi ka nalang ngumingiti kasi mas lalo kang nagiging gwapo kapag nakangiti ka. Hindi yung para kang sumalo ng lahat ng sama ng loob kapag nagsusuplado ka.
YEXEL : Ngumingiti lang ako sa mga taong gusto ko.
Ano daw??? Gusto daw niya???
AKO : Ngumingiti ka sakin, ibig sabihin gusto mo ako?
#LandiPaMoreGwen
YEXEL : Yeah. You are a friend of my friend so that makes you my friend too. Besides, I like you as a person. You're fun to be with. Hindi ka nakakaboring.
AKO : So inshort mukha akong clown?
YEXEL : Ang sabi ko masaya kang kasama. Hindi ko naman sinabing nakakatawa ka.
Oo na! Kinorek pa ako!
YEXEL : Gwen, do you still love my stupid brother?
AKO : Stupid brother talaga?
YEXEL : Yes. He's stupid to let a wonderful woman like you go.
AKO : Thank you Yexel for saying that. For your question, i don't know. Hindi ko alam kung mahal ko pa din si Axel.
Sa totoo lang madaling sabihin na hindi ko na mahal si Axel. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang ayokong magsinungaling kay Yexel. Kasi alam ko sa sarili ko na magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ko na mahal si Axel. Ang gulo!
Iginalang naman ni Yexel ang naging sagot ko.
AKO : Ikaw? Nakailang girlfriend ka na?
YEXEL : Yung seryoso ba?
BINABASA MO ANG
Walang Forever!
ChickLitAng journal ng babaeng bitter at ang kwento ng lalaking umaasa na may happy ever after. Para sa mga nagmahal, nasaktan at umaasang magmamahal muli. Walang masamang sumubok at magkamali, basta alam mo lang dapat kung paano bumangon ulit.
